(12.19.04/ 10:01 A.M)
21
Napaaga si Ronald sa lugar ng rehearsals. Maraming ibang istudyante na nagre-rehearse din. Ang Student Center kasi ay talagang dinadausan ng ibat ibang actibitades ng mga istudyante. Maingay ang lahat. May sumisigaw sa isang sulok na animoy nababaliw. May isang grupo naman sa may dulong bahagi ng gusali na nagsasabayang bigkas. Maingay din ang ilang istudyante na nakatambay sa mga benches. Pumuwesto si Ronald sa isang kahoy na bangko, inilabas ang paboritong aklat mula sa back pack. Matatapos na niya ito marahil ngayon.
May mga nakalap na ebidensya na ang Heneral Luna ay isang palikero. Lahat halos ng lugar na pinagkakampuhan niya, nagkakaroon siya ng mga katipan. Madalas din itong makitang nakikilandian sa mga kaanak ng mga sundalo niya. Di bat matatandaang ang alitan nila ni Maskardo ay nag-ugat sa isang selosan dahil sa isang dalagang kapampangan.
Siya ay nagkaroon din ng relasyon sa isang Cojuangco na ninuno ng mga Cojuangco ng Tarlac. May mga microfilms na nagpapatunay sa mga ito. Naging tambayan kasi nila Luna ang bahay ng mayamang instsik na si Juan Co (na siyang pinakaninuno ng mga Cojuangco). Maraming haka haka na ang kayamanan ng mga Cojuangco ngayon sa kasulukuyang panahon ay galling sa pera ng katipunan. Nagging tagapamahala kasi ni Antonio sa mga kayaman ng Katipunan noong panahong iyon. Siya ang nagtatakda ng mga polisiya tungkol sa paggugol. At pinapahawakan niya ang perang ito sa kanyang nobya na si Maria Cojuangco kapatid ni Juan. Ngunit ang kanilang relasyon ay hindi nagtagal dahit sa digmaan. Na-iwan lahat ni Antonio ang kayamanang ito matapos ang geyra. Tinangkang itago ito ng mga Cojuangco sa pamamagitan ng masusing pagsisira ng mga edidensya para sa pagpapatunay sa mga kaalaamang ito. Minsan ng nahuli ang isang empleyado ng National Museum dahil sa pagnanakaw ng ebidensya at antic na naging bahagi ng isang maiitim na buhay ni Antonio. Naging controversial ito dahil sa media. Pati ang Senado at Kongreso ay nagconduct ng legislative investigation para malaman ang tunay na nangyari sa National Museum.
Isang nagngangalang Murillo ang ipinatawag ng Senado. Empleyado si Murillo ng National Museum. Siya ang Head Researcher ng naturang ahensya. Napag-alamang siya ay nagkaroon ng access sa mga dokumentong nawwawala. At sa log book ng ahensya, si Murillo lamang at isang nagnagalang prof. Ocampo ang silang palagiang bumibisita sa section na kinalaglagyan ng bulungkos ng dokumentong ito. Itinangi ni Murillo sa harapan ng mga Senador ang bintang sa kanya. Ayon sa kanya, sa sampung taon niyang pamamalagi sa ahensya wala diumano siyang alam na dokumento na pagmamay-ari ng ahensya na may kinalaman sa pagkatao ni Antonio Luna kundi ang ilang mga memorabilia nito ukol sa kanyang makulay na karera bilang isang sundalong mandirigma para sa bayan.
Ipinatawag din si Prof. Ocampo. Si Ambeth Ocampo. Sa Senado, sinabi ni Ambeth Ocampo, isang historyador na malapit sa Chief ng National Historical Institute na si Quiason, na wala siyang kinalaman sa nakawag nangyari sa National Museum kung mayroon mang pagnanakaw na nangyari. Inamin niya na palagi siyang dumadalaw sa section na kinala;agyan ng mga dokumento. Ngunit kanyang itinangi na meron siyang nakitang dokumentong nagpapakita ng maitim na buhay ng Heneral.
Dalawang empleyado ng Museum ang nagbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa nakawan. Si Jose Felipe, is ang janitor; at si Tomas Magnilay, isang secyu. Sinabi ni Felipe na nakita niyang inilabas ni Prof. Ocampo ang mga bulongkus ng dokumento mula sa section na kinalalagyan nito. Nagpatulong pa diumano ang Propesor upang maisakay ang mga dokumento sa sasakyan ni Ocampo. Habang bitbit ni Felipe ang isang bolunbon ng dokumento, binasa niya. Isang label ang nakita niya sa ibabaw ng mga dokumento “A. LUNA”, pirmado ito ng kung sinong tao.
“ Tinanong mo ba kung bakit inilalabas ang mga dokumento?”, tanong ng isang Senador kay Felipe.
“Hindi po, kasi binilinan po kami ni Mr. Murillo na ibigay naming ang tulong naming kay Ocampo.”
“Hindi mo ba naisip na isang pagnanakaw ang nangyayari.?”sinundan pa ng Senador.
“Na-realize ko na lamang po noong nakauwi na ako sa bahay.”
Sa testimonya naman ni Magnilay, nabangit niya na snabihan siya ni Murillo na hayaan si Ocampo na maglabas ng mga dokumento sa section na iyon dahil sa ang mga nasabing dokumento ay ililipat nila sa National Historical Institute.
Napagalaman ng Senado na si Murillo, Ocampo at Quiason ay malapit kay Gobernador Ting Juan Co ng Tarlac. Si Ting Juan Co ay asawa ni Ping Juan Co na apo ni Juan Co na kapatid naman ni Maria Co Juan Co, ang sinasabing naging katipan ni Heneral Luna sa Tarlac. Ang Maria Juan Co na napagiwanan diumano ng kayamanan ng Katipunan.
Sa Senado, ipinatawag ang Gobernador. Itinangi niya na inutusan niya si Murillo at Ocampo na nakawin ang mga dokumento. Ngunit inamin niya na nagpatulong siya sa dalawa upang maisagawa ang kanyang tesis sa masteral studies niya. Tinanong ng isang Senador kung ano ang titulo ng tesis niya.
“The Evolution of Muslim Religion and Heritage in Mindanao”, sagot ng Gobernador.
Walang kinalaman ang tesis sa mga sections na malimit pasukin ni Ocampo at Murillo. Dapat ang kanilang pinasok ay ang section sa second floor : People of Mindanao. Bakit pumapasok silang malimit at ipinapakita ito ng mga logbooks sa Katipunan?
Ang isyu ay ipinasiyasat sa NBI. Ito ay ipinagutos ng Senate President. ……
Pinitik ni Cindy ang kaliwang tenga ni Ronald. Nagulat ang binata. Napatigil sa pagbabasa. Napakamot ng ulo.
“Wala pa ba si Lea?”
“Wala.”
“Ano ba yang bruhang yan, late na nga ako mas late pa siya.”
“Oo nga. Kanina pa ako dito. Siguro mga treinta minuto na rin. Hindi pa nakakahiya naman sa akin na nala-late kayo?” biro ni Ronald.
“Ganun!!.sensya nap o tao lang.”
“ San ba umuuwi si Lea? Malayo ba? Hindi kaya na-trapik ito?”
“ Naku!! Diyan lang siya sa may Teresa…makupad lang talagang kumilos ang bruhang yun.”
“Oh ayan na pala he!!” Kita ni Ronald ang paparating na dalaga na nakamini skirt na maong at isang isang blouse na manipis. Kitang kita ang kaputian ng dalaga. Tinatamaan pa ito ng sumisilip na sinag ng araw mula sa mga naglalakiang bintana. Naka-shades din ang dalaga.
“Mga kapatid sensya na. Kasi naubusan kami ng tubig sa dorm. Hinintay ko pang ma-refill ang dram.”
“Magpaliwanag ka dito sa leading man mo. Galit yata. Ano nga sinasabi mo kanina Ronald?.”
“Wala… Okay lang yun. Wala naman akong lakad. “
Ngumingisi si Cindy…… “ O siya simula na tayo.”
Rehearsal na.
Sinet-up ni Cindy ang lahat. Inayos niya ang isang improvised na kama. Nilatagan niya ng isang bed sheet na bulaklakin na kulay asul. Matingkad ang kulay ng mga bulaklak sa sheet. Ikinulong niya sa pamamagitan ng masking tape ang acting space. Sa isang sulok ng ispasyo, naglagay siya ng isang maliit na mesa na pinatungan niya ng isang gasera at ash tray. Sa kaliwang bahagi ng kama ay isang kahoy na silya.
“Okay my dear thespians, ready na tayo…”
Hindi nag-react si Ronald. Hindi niya alam ang salitang thespians. Tinapik siya ni Lea.
“Tayo yun..”
“Ah ganun!!!”
Nakapamaywang na nagutos si Cindy.
“Puwesto na kayo dito. Dito sa may kama. Huwag muna kayong maghalikan. Baka hindi ko na kayo mapigilan mamya. Pwesto na dali….”
Lumapit ang dalawa sa kama. Umupo.
Nagpaliwanag si Cindy.
“Ang set na ito ay isang silid na paupahan. Maliit lang ito. Sa orihinal na script ni Villanueva. Hindi bed sheet yan. Yan ay natatakpan ng isang butas na banig. Inangat natin ng konti para hindi magmukhang bakya. Dapat may isang tukador malapit dyan sa papag kaya nga lamang hindi ko pa mailalagay dahil kinuha pa pung pinsan ko yung tukador mula sa Zambales. Magtiyaga muna kayo dyan sa mesa na yan. Ganito ang senaryo. Nakaupo sa harap ng tukador ang puta. Ikaw yun Lea. Madilim. Kakapa ka Lea sa may tokador ng isang kandila. Sisindihan mo ang kandila. Hihipan ang palito ng posporo. Nakakarinig ka kunwari ng mga putok. Dialog ka…..”
“Me operasyon na naman siguro. Sa kanila kaya ang mga putok o sa mga rebelde? Sa kanila ‘yon. Mga sundalo lang naman ang magsasayang ng ganuoon karaming bala. …”
“Oops cut. Nice. Konting feelings lang at project ng boses pag totohanan na ah…Para ka kasing nagahasa kagabi….Nanlalambot ka ba?. Okay, bitawan mo ang last line mo dyan Lea. Para alam ni Ronald ang cue niya. ”
“ …Iba ang sundalong iyon sa mga walang-pangalang nakaniig ko.. Bakit? ”
“Cut. ! Ronald, ‘pag narinig mo yung linya na iyon, ganito ang mangyayari. Unti-unting magliliwanag ang silid. Lights slowly fading in. Pag napuno na ng liwanag ang buong silid, tsaka ka papasok. Sukbit sa may balikat mo ang baril. Medyo haggard o worn-down ang itsura mo. Alaala lang lahat ito ng puta, kaya yan kandila ay hindi papatayin. Dito ka puwesto sa may dulo. Kunwari’y imaginary door yan.”
Tumayo si Ronald pumunta na sa itinurong lugar ni Cindy.
“Bitawan mo ang linya mo.”
“Maari bang magpalipas ng gabi rito?”
“Teka,teka..ano’ng akala mo rito sa bahay ko?” bitaw agad ng linya si Lea.
“Oops. Cut lang. Easy lang .” Si Cindy.
“’Dy, hayaan mo muna kaming magexperiment sa dialog. Pwede. Para lang maramdaman naming. Tapos kung ano ang mga gusto mong gawin namin mamaya na. Kasi may mga linya pa na hindi naming kabisado pls….Dy.”
“Ano pa nga bang magagawa ng hamak na DIREKTOR na tulad ko?.Siya sige.”
“ Sisimulan ba natin from the start.?” Tanong ni Ronald.
“Dun na lang sa kung saan tayo nagtapos.” Si Lea.
“Noong isang linggo’y itineybol ka naming. Kasama ako nina Lt. Agawin. Malaking grupo kami noon. Hindi mo siguro ako natatandaan.”
“Hindi nga. Teka, sino ka ba? Hindi ako tumatangap ng customer dito.”
“Isinama mo rito noon si Lt. Agawin.”
“Hindi ko rin natatandaan kung sino ‘yon. At kung sino ka man, pwede ba, diyan ka muna sa pinto. Nakabuyangyang ang katawan ko---kung napansin mo.”
“Akala ko kasi….”
“Mali ang akala mo. Doon sa bar, pwede akong humila o mahila ng lalaki at dalhin ditto. Pero ditto sa bahay ko, hindi ako nakikipagtawaran.”
“Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Bihis ka na ba?”
“Sige pwede ka nang tumingin.”
Nagpatuloy ang rehearsal hanggang matapos ito. Gabi na rin nang sila’y nakauwi. Nakiusap si Cindy sa dalawa kung pwede silang mamasyal sa Quezon upang magobserve sa mga behavior ng mga sundalo doon. Ang setting kasi ng dula ay sa Quezon. Pumayag naman ang dalawa basta ililibre lamang sila ni Cindy sa pamasahe.
Palagay na ang loob nila Ronald at Lea. Nagtutulakan. Nagtatawanan. Nakikisakay sa mga kantiyaw ni Cindy. Humahagikgik sa mga jokes ni Cindy. Masaya na ang dalawa. Komportable na sa isa’t isa.
“Direk, talaga bang magtatapis lamang ng tuwalya si Lea,” urirat ni Ronald kay Cindy habang sila’y naglalakad sa may cat walk ng Unibersidad.
“Siyempre. Para Makita mo ang mga maputing sakong ng kaibigan ko. Pero kailangan magingat ka. Black belter yan. Bugbog ang abot mo.”
“Mapapadalas ang attend ko sa rehearsal pag ganyan,” biro ni Ronald. Namumula si Lea. Sumasakay din naman ito sa biro ng dalawa.
“Akala mo ba ballot na ballot ka sa dulang ito. Hindi po, huhubaran ka naming ni Cindy. “ Ganti ni Lea.
“Walang problema sa akin yun. Pabor ba nga sa akin yun…..”
Tawanan sila ng tawanan sa daan. Parang ang tatlo’y matagal ng magkakaibigan.
22
Pauwi na si George at Crystal mula Laguna. Sakay ng isang Van, magkayakap ng mahigpit ang magnobya. Pagod at nakatulog sa biyahe si Crystal. Samantalang si George ay gising na gising. Pinapanood niya ang mga nadadaanan nilang mga lugar. Hindi ito ang first time ni George sa Laguna. Madalas siya rito dahil sa mga educational trips na ginagawang negosyo ng mga guro. Sa pinakahuling trip nga ay hindi na siya sumama dahil hindi siya nakapagbayad sa takdang oras. Sinabihan na lang niya ang propesor niya na siya ay magtatake na lang ng eksamin.
Nang may isang vendor na umakyat sa bus, tinawag ito ni George. Ang mamang tindero ay medyo bata pa. Ngunit bakas sa kanyang mukha ang hirap ng buhay. Nangangapal ang mga kalyo sa may kamay. Halatang bukod sa kanyang pagtitinda ay nagtatrabaho pa rin siya ng ibang mabibigat na hanap buhay. Ang suot niyang sando ay may punit sa may tagiliran. Ang short niya ay luma na at may burak pa sa kaliwang bahagi nito. Buhok niya’y hindi man lamang nasusuklayan. Magulo. Malagkit. Kumapit na ng husto ang grasa na nakakalap niya sa daanan na iyon ng Sto. Tomas, Batangas.
“Ano yan?”
“Mani po at espasol. Bili na kayo ma, kailangan ko lang ng pangatas ng anak ko.”
Iniabot ni George ang isang daang piso sa lalaki, “isang mani na lang. Magkano ba ‘to?”
“Bente lang boss.”
“’Kay, amin na. Sayo na ang sukli. Pandagdag mo sa pambili mo ng gatas ng anak mo manong.”
“Salamat boss…Pagpalain ka ng Diyos.”
Nagising ng kaunti si Crystal. “Ano ba yun?”
“Wala lang. Binili lang kita ng paborito mong Mani.”
Likas na may pusong mahawain si George. Tuwing bago bumaba nga ng jeepney, tricycle o pedicab, ugali na ni George na magpasalamat sa driver. Tumapapik pa ito sa balikat ng mga ito. Pinansin siya minsan ng kanyang Kuya Ronald.
“Ano ka ba? Nagbayad ka na man. Hindi naman tayo nagpalibre sa driver ha. Bakit ka nagpasalamat?”
“Kuya, sa palagay mo ba, makrarating tayo ditto sa lugar na ito sapamamagitan ng barya mo. Masasakyan mo ba yang pera mo patungo rito. Tsaka Kuya, isang paraan upang maging masaya ang mga iyan sa kanilang hanap buhay at hind maging aburido sa buhay ay ang pagbibigay ng kaunting apresasyon sa kanilang mumunting ginagawa.” Sagot niya sa kapatid.
Kaya madalas ding sumasama sa ilang mga demonstrasyon ng mga mangagawa sa Quezon City Circle. Wala namang organisasyon na militante si George. Hindi rin naman siya pumupunta sa mga rali dahil sa ideolohikal na pananaw. Siya ay naroroon palagi dahil sa kanyang damdamin para sa mga obrero. Alam ni George kung gaano ang hirap na dinadanas ng mga mangagawa dahil sa kanilang mga mapagsamantalang mga amo. Ang pagsasamantalang ito ang isinusumpa niya. Ipinangako niya sa sarili niya na kung sakali mang siya ay magkaroon ng isang maliit na negosyo, sinisiguro niyang walang pansasamantalang magaganap na magmumula sa kanya.
Tumulog muli si Crystal. Nakapikit na sumandal sa nobyo. Samantalang hinahaplos ng nobyo ang kanyang maitim na buhok, ang kanyang kamay naman ay malambing na pumipisil sa mga palad ng binata. Nagungusap ang kanilang mga kilos. Para bang ang bawat oras ng kanilang pagsasama ay napakahalaga. Ninanamnam nila ang bawat Segundo.
Tahimik lang si George. Pinagmamasdan ang bawat kilos ng mga nakasakay. Sa may unahan nila, may isang ina na nagagalit sa kanyang anak na nasa apat na taon marahil ang edad. Pinagagalitan ang anak dahil sa ito’y nagsuka sa loob ng bus. Ang anak naman ay namumutla. Parang kung anong bagay ang pumalo sa ulo niya. Animo’y isang lasengong duwal ng duwal sa kalye. Noong bata si George ay tulad din siya ng batang ito, hindi niya kaya ang magbiyahe ng malayo. Nagsusuka din siya. Lalo na sa mga bus na aircon. Amoy palamang nito, hindi pa ito nagsisimulang tumakbo, suya na siya. Kaya baun palagi ni George tuwing bibiyahe sila ng nanay niya mula Pampanga hanggang Maynila ang isang supot na plastic na paglalagyan niya ng suka niya. Nitong nagkolehiyo na lang yata nasanay ang sistema ni George sa biyahe.
Hindi namalayan ng magnobya na nasa Alabang na ang bus. Gising na si Crystal.
“Haba ng tulog ko ah…Pinagod mo kasi ako. “
“Ano ka, ikaw nga itong namagod sa akin. Ang sakit nga ng balakang ko hanggang ngayon eh….”
Tawanan. Maliliit na kurot ang inabot ni George.
Pumara si George sa may Guadalupe. Hinihatid muna ang nobya sa tinutuluyang boarding house. Alam ng binata na masaya si Crystal. Humalik sa nobya. Walang imik na umalis si George . Pag uwi niya sa bahay, babasahin niya ang isang liham at iba pang dokumento na ibinigay sa kanya ng isang lalaki. Binilang ang kasamang pera. Pagaaralan niya ng maigi ang dokumento.
Friday, March 2, 2007
.18.,-.20.
18
Si Greg ay makikipagkita na sa kanyang kausap sa telepono. Ala-una na nang madaling araw. Ipinarada niya ang kanyang kotse sa isang espasyo na binabantayan ng isang payating lalake na nakashorts na pambasketball. Ibinaba niya ang kanyang bintana, iniabot ang dalawang pirasong limang piso na maaga pa’y inihanda na niya sa palad niya. Nakangiting tinangap ng lalake. Iniayos niya muna ang kanyang sarili sa harap ng vanity mirror ng kotse. Medyo lumalaki na rin ang kanyang mga eye bags na dulot ng madalas niyang pagpupuyat at pag-aalala. Nahihirapan talaga ng lubos ang kanyang dibidib sa obligasyong kailangan niyang gampanan para sa pamilya. Nag-usal siya ng isang maiikling dasal. Bumaba na siya ng sasakyan.
Mga ilang metro lamang nakita na ni Greg ang “Ratsky”. Maliwanag ang kahabaan ng Morato. Dagdag dito ang liwanag ng mga neon lights ng Ratsky. Halatang mamahaling restaurant ang establisimiento. Balita rin na ito ay pagmamay-ari ng isang sikat na pamilya sa showbizness.
Hinakyat ni Greg ang spiral na hagdanan ng restauran. Napapatitig siya sa mga magagandang paintings na nakabalandra sa dingding. Ito pa lamang ang unang bisita niya sa lugar. Maayos nga pala. Nabalitaan niya na ito mula kay Marge. Minsan na kasi siyang niyaya ni Marge dito.
Pagpasok niya sa mismong looban ng bar, inilinga niya ang kanyang mga mata. Tinitingnan ang lahat ng mga tao sa bawat mesa. Maingay ang bawat grupo sa bar, nagtatawanan at nagkukwentuhan. Ang bandang tumutugtog sa may maliit na entablado ay parang mga bubuyog na sumasabay sa ingay ng lagiktik ng kawayan sa gubat. Hindi na sila halos pinapansin ng mga parokyano ng bar.
“Sino kaya sa mga ito ang lalaking iyon?”
Itinuro kay Greg ng isang serbidora ang isang mesa malapit sa entablado. Tumango lamang si Greg. WAriy wala siyang tutol. Patuloy pa rin sa paggala ang kanyang mga mata. Nang siya ay maglalakad na patungo sa mesang itinuro sa kanya, mayroong isang maputing lalaki na tumapik sa kanyang balikat.
“Greg,.. dito na tayo sa may likuran.”
Tinitigan niya ang lalaki. Natigilan siya. Kilala niya ang lalaki matagal na niya itong nakikita sa campus. Kaya nga lamang hindi niya masiguro kung anong eksaktong pangyayari at eksaktong lugar kung kailan niya ito nakita. Isang lamang ang tiyak sa kanya, hindi ito ang unang kita niya sa lalaki.
“Pakiusap ko sa iyo, gawin natin itong mabilis lamang dahil mayroon pa akong kailangang kitain mamaya-maya lang.”
“Madali lang talaga ito. Isang maikling bilin lamang .”
Sa isang sulok ng bar sa may tagiliran ng palikuran sila pumwesto. May mga dalawang bote na ng beer ang nakalagay sa ibabaw ng mesa. May yelo na rin. May isang umuusok ns sisig na may itlog sa ibabaw. Umuusok pa ito. Halatang bagong lagay lamang ang mga ito sa ibabaw ng mesa. Umupo na sila. Magkatapat. Halos hindi sila nagtititigan kahit na nagtatama ang paningin. Tagustagusan lamang. Hindi talaga komportable si Greg sa lalaki. Parang ganun din ang damdamin ng lalaki. Naguusap sila, nagtatanungan ngunit parang hindi sila naguugnay.
“ Ano ba talaga ang dapat kung gawin?”
Iniabot ng lalaki ang isang brown envelop kay Greg.
“Nandyan ang letrato ng matanda. Ikaw na ang bahalang dumiskarte.”
Sandaling nanginig ang kanyang tuod. Napasabunot sa kanyang buhok. Namula kahit ni lagok ay hindi pa ito umiinom ng alak. Hindi na siya nagulat dahil ito ay nabangit na ng kanyang ama, noong isang araw.
Inisip niya na ito na ang totoo. Walang urangan na ito. Kailangan talagang gawin ito para sa pamilya. Kaaway ang matandang tinutukoy ng lalaki. Kaaway na mortal ng pamilya. At ayon sa kanyang ama, naging tradisyon na ng pamilya na kailangang isang kapamilyang lalaki sa linya ng kanyang lolo ang papatay dito.
“ Naryan na rin ang detalye ng planong paglikida. Sundin mo ang plano to the letters. Hindi ka pwedeng lumihis sa plano kahit na sa isang maliit na detalye lang. Mapapahamak ka. Mula sa takdang oras hanggang takdang minuto. Lahat ng kilos na nariyan sa plano ay may takdang bilang. Huwag na huwag kang magkakamali. Pagaralan mo ito ng maayos. Ang iyong gagamitin sa pagpatay ay nakalagay na sa compartment ng Revo mo.”
“Pano nangyari yun?!!”
“Wag kanang magtanong.”
Binabaybay na ni Greg ang Commonwealth Ave papunta kina Marge. Malalim na ang gabi ngunit hindi siya nakakaramdam ng antok. Iniisip pa rin niya ang pinapagawa sa kanya, tila hindi niya yata kayang gawin ito. Pinipilit niya ang kanyang sarili na labanan lahat ng mga agam agam, alinlangan at takot sa kanyang dibdib. Hindi pa niya binubuksan ang brown envelop na binigay sa kanya ng lalaki. Isinilid lamang niya ito sa isang silver canister sa may compartment. Wala pa rin siyang ideya kung anong uri ng instrumento ang kanyang gagamitin sa misyon niya. Nasulyapan niya lamang ang lagayan. Isang metallic na box ito.
Sa tapat ng bahay ni Marge, itinigil niya ang sasakyan. Tatawagan sana niya sa telepono ang katipan nang bigla na lamang nagliwanag sa may sala ng bahay at bumukas ang pinto. Tiyak na hinintay siya ng dalaga.
“Iayos mo na diyan sa labas ang park mo. Okay lang dyan. Tamad na akong magbukas ng gate.”
Inaantok na ang dalaga.
Tumango si Greg.
“Pasok ka na lang ah…..Akyat na ako sa kwuarto.”
Isa pang tango mula sa binata.
19
Sa silid ni Lea. Hindi siya mapakali. Excited siya na natatakot din. Hindi siya makatulog. Ngayong
pumayag na si Ronald. Parang naisip naman niyang umurong sa dula. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Magdadahilan na lamang kaya siya na siya ay nagkabulutong tubig o di kaya’y nagka dismenorhhea. Uwi kaya muna siya ng probinsya. Iba ang kanyang pakiramdam. Iba ang dulang ito. Natatakot siyang bigla.
Madilim na ang paligid ng Teresa St., sa Sta. Mesa. Tanaw ito ni Lea mula sa kanyang bintana. Ang maliwanag na neon light na may korteng krus sa may tore ng malapit na simbahan ay abot din ng kanyang paningin. Ugali na ni Lea na tuwing siya’y walang masyadong gawain, pinagmamasdan niya at inoobserbahan ang mga pumaparoo’ t paritong mga estudyante. Ang paligid. Minsan nga nasaksihan niya ang isang insidente na binubuntal ng isang binata ang naka-uniform man ding estudyanteng babae ng business, (kita ito sa kanyang asul na uniporme). Gusto niyang bumaba at tulungan ang babae ngunit wala siyang magawa. Sinumpa na lang niya sa kanyang sarili na ni kanti ay hindi siya makakaranas mula sa isang lalaki kahit na ito ay lalaking mahal na mahal niya. Natutuwa naman siya minsan tuwing nakakakita siya ng mga mag-syota na punong puno ng pagmamahalan sa kanilang mga kilos. Parang siya’y naiinggit.
Maswerte na rin si Lea dahil sa lahat siguro ng mga kaeswela niya na nag-boboard sa lugar na iyon ng Sta.Mesa, siya lamang ang mayroong presentableng tirahan. Solo niya ito at mukhang pangmayaman talaga. Bago ang gusali. May kamahalan din naman kasi ang presyo at renta dito. Ang seguridad naman niya ay tiyak dahil sa bente-kwuatro oras ang guwardiya sa may gate ng gusali. Hindi niya kailangang ma-problema sa mga tambay na maaring pumasok at mangulo sa loob ng boarding house. Yung isang kaklase kasi ni Lea, si Tiffany, ay nagkaroon ng manliligaw na tambay sa isang looban na malamit sa tinitirhan nila. Dahil ang bahay na unuupahan ng kaklase nito ay walang gwardiya, nakapasok sa loob mismo ng silid ang manliligaw at muntikang magahasa si Tiffany. Pinahinto sa pagaaral si Tiffany ng magulang dahil sa pangyayari. Nagkatrauma na rin kasi si Tiffany.
Tuwing lumuluwas ng maynila si Tiffany pumapasyal siya sa may SM Centerpoint at doon nagkikita sila ni Lea. Kahit anong kumbinsi ni Lea sa kaibigan na bumalik na sa pagaaral, nagbibingibingihan na lang si Tiffany. Huling kita ng dalawa ay ipinakilala ni Tiffany ang boyfriend niya na nag-aaral ng abogasya sa University of St. Louie sa Baguio. Panangakuhan daw si Tiffany ng nobyo na pakakasalan siya matapos ang bar exams nito sa susunod na taon. Naalala pa nga ni Lea ang mga kuwento ng kaibigan, habang ang nobyo ay nasa palikuran sa basement ng mall.
“Lea, alam mo ban a may nagyari na sa amin ni Jake?...!”
“Siya ang nakauna sa akin. Masarap pala Lea.”
“Oy,..ano ka ba? Marinig ka ng mga katabi mo diyan.”
“Eh ano ngayon, totoo naman. Sa una talaga Lea mahirap. Hindi ka makakabangon kinaumagahan. Manlalambot at maghahapdi ang pakiramdam ng iyong…..”
“Itigil mo na nga yan….”sabat ni Lea.
“Ikaw, naranasan mo nab a?”
“Ano ka ba? Hindi… Wala pa…..” Napalunok ng isang lagok na mineral water si Lea. Nagulat siya sa tanong.
“Ibig sabihin ba non hinihintay mo pa ang lalaking pagbibigyan mo….”
Naging seryoso ang usapan ng itinanong ni Lea sa kaibigan kung seryoso ba talaga kay Tiffany ang nobyo at isinuko niya ang pagkababae niya.
“Pakakasalan niya ako pagkatapos ng kanyang bar exams sa isang taon.”
Hindi na nagtanong pa si Lea.
Nagiba na ang ugali ng kaibigan. Dati si Tiffany ang pinakamahinhin sa kanilang grupo. Hindi makabasag pinggan ika nga. Nagbago si Tiffany ng siya ay nagkanobyo at nakaranas ng seks.
Noong isang araw lamang ay nabalitaan ni Lea mula sa magulang ni Tiffany na buntis ang dalaga at hindi siya maaring pakasalan ng nobyo niya dahil sa may-asawa na ito sa Isabela. Naloko siya ng nobyo. Iniwasan niyang magahasa noon ngunit nagahasa pa rin siya ngunit sa ibang kategorya nga lamang ng gahasa. Magkasing sakit din.
Maingat sa mga lalaki si Lea. Ngunit ngayon mukha yatang bumibigay na ito sa kakisigan ng binata. Sa kanyang silid, pinapantasya niya ang binata. Hindi niya alam kung normal ito sa babae pero hindi niya maiwasan. Siya lang ba ang babaeng nagpapantasya at nagnanasa sa lalaki? !
Paano kaya humalik at magromansa ang binata? Matamis kaya ang halik nito? Gaano kaya kahigpit ang kanyang mga yakap? Mabango kaya siya? Marunong kaya siyang mangiliti? Liligaya kaya ako sa kanya? Masakit kaya sa simula tulad ng mga kuwento ni Tiffany? Magdadaan daan kaya siya?
“Ano ba yan? Makatulog na nga at kung anuano ang naiisip kung kahalayan.” Pagsita niya sa sarili.
Malaki na nga ang tama ng dalaga sa binata. Hinila niya ang kanyang kumot at tinakpan ang kanyang mga mata. Napapangiti sa kanyang naiisip na kapilyahan. Ngunit kahit ipinid niya ang kanyang mga mata, naroon sa kanyang diwa ang binata. Nagaanyaya….
20
Malamig ang simoy ng hangin sa may ilalim ng puno ng santol. Natatakpan ng mga dahon nito ang buong bakuran ng bahay nila Ronald. Namumulaklak pa lamang ang puno. Sa Mayo pa ito tuluyang mamumunga. Kadalasan kasi si Ronald ang taga pulot ng mga bulok na bunga na naglaglagan sa lupa. Maraming langaw kasi ang dudumog sa buong bakuran kung hindi ito aalisin. Ilang taon na ring nakatayo ang puno ng santol sap arte iyon ng bakuran. Panahon pa yata ito ng lolo nila Ronald na si Lolo Inggo.
Ang malakas na agos ng ilog sa hindi kalayuan ay dinig din sa bahay nila Ronald tuwing alas otso na ng gabi. Wala ng ingay kasi na maririnig mula sa mga nagdadaang mga Honda at Kawasaki. Ang magasawa ay nasa balkonahe ng bahay. Nakikinig sa musika ng paligid. Nakaugalian na ng mag-asawa na magtambay sa balkon tuwing pagkatapos nilang kumain.
“Kailan ba ga-graduate si Ronald Nay?”
“Sa isang taon pa . Walang duda naman na makakatapos ang anak mo sa tamang oras dahil sa maayos naman itong mag-aral. Wala pa naman itong marking mababa. Nasabi niya sa akin ang kanyang mga plano. Sabi noong isang araw na nag-usap kami na gusto raw niyang mag-aral ng masteral sa UP Diliman. Aba ang anak mo ay mayroon talagang mga sariling mga balakin sa buhay. Hindi na siya kailangang diktahan pa.”
“Bakit ba natin siya didiktahan, eh mga magulang lang naman tayo. Alam mo kung ano ang naisin n gating mga anak ay siyang ating susuportahan. Dapat sa bawat gawin nila responsible sila.”
“Nag-aalala lamang naman ako diyan kay George. Madalas na hindi umuuwi rito. Hindi ko na tuloy siya nakakausap. Ibinilin ko nga kay Ronald na si George naman ang pauwiin sa isang lingo para naman Makita natin ang anak natin. Alam mo naman si George, ugali niyan na magtago ng lahat ng problema niya. Malay mo may problema nap ala yang anak mo ay hindi pa rin nakakarating sa atin. Tinggnan mo noong isang taon muntik na tayong mawalan ng anak. Kung hindi pa dahil sa mga kaibigan ng kuya niya hindi pa natin malalaman na ina-hunting na siya ng kalabang fraternity.”
“Ano ba ang sabi ni Ronald tungkol sa kapatid? Maayos naman daw ba ang performance sa school?”
“ Ang sabi sa akin ni Ronald maraming mga propesor dawn a nagsasabing matalino talaga si George. Wala naman daw mga bagsak sa mga exams. Sana nga Diyos ko’y mag-ayos na ng tuluyan yang anak mong bunso. Mabait naman yang si George. Kaya nga lamang ay minsan nababarkada. Dahil sa husay niyang makisama, napapahamak siya.”
“Lintik na pakikisama yan. ! Yang mga barkada sa sarap mo lang kasama yan. Kapag ba naghirap ang kinabukasan niya kilala pa ba siya ng mga barkadang iyan.? Siyempre, hindi. Dahil yang mga iyan ay magtatayo ng kanikanilang mga pamilya. Alangan namang unahin pa siya kesa sa mga pamilya nila. “
“Minsan tay kausapin mo rin si George. Kailangan niya ng mga payo mo.”
“Kinakausap ko yan. Lam mo naman na malapit sa akin ang dalawang anak mo na yan. Kaya nga lamang, si George ang hindi makwentu. Wala kang maririnig na reklamo. Walang problema palagi yan. Hindi ko nga alam sa anak nating yan kung papano ko siya mapagsasalita. Siguro ilang panahon pa. Ibang-iba sila ni Ronald. Si Ronald kahit na ilang oras kayong magusap hindi nauubusan ng isuisumbong, imumungkahi, ipagtatapat. “
“Tay suwerte na rin naman tayo sa dalawang anak natin. Wala silang mga bisyo. Masipag mag-aral at matatalino. Naalala ko nga bigla yang si Ronald ng nag-graduate siya sa elementarya wala siyang honor na natangap. Pinagbihis niya ako ng maganda. Pinagdala ako ng camera. Tapos hindi ako pinapasok sa may pinagdausan ng graduation. Sabi sa kanya, yun lang daw mga parents na may anak na gagawaran ng honor ang papapasukin. Pinipilit niya akong makapasok. Hindi talaga pumayag yung nagbabantay. Nangingilid ang luha niya na tumitig sa akin. Okay lang yun anak, tumuloy kana pabulong na sabi ko sa kanya. Yang si Ronald, hindi yan tumitingin sa stage. Nakatitig siya sa akin. Kunwari naman hindi ko siya nakikita. Nakasilip lang kasi ako sa may bakuran sa labas. Para akong bilango na nakahawak sa rehas. Nang matapos ang graduation, sinalubong ko siya. “
“Anong sabi niya sa iyo?”
“Sabi niya: Nay sa susunod sa high school, pinapangako ko na aakyat ka sa entablado para magsabit sa akin ng medalya. Sinusumpa ko yan. Papapasukin ka na sa bakuran. Punong puno ng determinasyon ang anak mo noon. Nangiti ako pero sa looban ko ay naiiyak ako dahil napakabait ng anak mo.”
“Di ba’t noong mag first year high school yan siya ang number one sa klase hanggang siya ay mag-graduate ?”
“Kaya nga.!”
“ Kahit yang si George, maayos din yan Tay. Natatandaan mo noong isang pasko na sumali siya sa isang contest sa bayan. Isang quiz contest yata iyon. “
“Ah yung “Tagisan ng Talino sa Kasaysayan na inisponsor ni Mayor?”
“Oo! Di ba siya ang nagwagi sa unang gantimpala doon? Inialay niya ang panalo niya sa ating dalawa. Sabi niya ang unang nagturo daw sa kanya upang magbasa ay ikaw at ako naman daw ang nagturo ng pagsulat. Ang tropeo ito ay hindi nararapat sa akin ito’y para sa kanila, anang kanyang maikling talumpati.”
“Sana Nay , makatapos an gating mga anak at magkaroon ng magandang buhay. Makabuhay ng pamilya at maging maayos na mamamayan ng bansa. “
“ Ay siya , tulog na tayo….:” yaya ng asawang babae.

.15.-.17.
15
“Kailan ba dapat ako kikilos?” Si Greg, may kausap sa kabilang linya. Ang boses ni Greg ay unti-unti ng kakikitaan ng lakas ng loob. Handa na niyang gampanan ang dapat niyang gawin para sa pamilya. Hindi na gaya ng dati na kabado at halos hindi makapagsalita. Ngayon, parang nais na niyang sungabin ang anumang dapat niyang gawin. Nagmamadali na siya.
Idinitalye kay Greg ng kausap ang kailangan niyang gawin. Pupunta siya sa may Board Walk sa Roxas Blvd. Sa may Figaro CafĆ©, magkikita sila ng kausap niya sa telepono. Dito ipapaliwanag kay Greg ang plano. Alas 11 ng gabi. Ayon sa kausap, makikilala daw ni Greg ito sa pamamagitan ng isang pulang baseball cap na may tatak na ‘NY’. Ang iniinom niya ay gatas. Siya raw ay uupo sa may mesa na nasa dulo kanan ng cafĆ©, malapit sa palikuran. Importante raw na magisa lamang si Greg.
Hindi maintindihan ni Greg ang kanyang nararamdaman. Para siyang takot dahil sa kabigatan ng kanyang dapat gawin ngunit excited din naman siya na Makita ang kausap . Malungkot ngunit masaya na rin dahil sa wakas malapit na niyang matapos ang kung anumang kailangan niyang gawin. ‘Para matapos na ito’, wika niya sa kanyang sarili.
16
Pagpasok ni Ronald sa bahay, wala ang kapatid nitong si George. Inilapag niya ang kanyang backpack sa may mesang kahoy. Tumuloy siya sa may kusina at nagbukas ng isang lata ng sardinas. Inilagay niya ang laman nito sa isang mangkok. Binuksan niya ang kaldero, wala itong laman. Ito’y nangangahulugan lamang na hindi dumaan ang kapatid sa bahay upang magsaing. Dumakot ng isang tasang bigas mula sa bigasan ang binata. Isinaing niya ito. Gutom na rin siya. Ngunit hindi niya ito masyadong pinapansin dahil sa galak na nararamdaman niya mula pa kanina sa school. Bihira niyang gawin ang makipagkuwentuhan sa kanyang crush. Kanina lang yata siya nagkaroon ng lakas ng loob. Swerte siya dahil hindi yun ang huli nilang pagkikita. Magkakasama at magkikita na sila ng matagal dahil sa dula. Pumayag si Lea na turuhan niya si Ronald ukol sa pag-arte. Nangangahulugan lamang na ang tadhana ay kakampi niya. Maaaring ito na ang kanyang pagkakataon na maka-first base. Tama ang kanyang mga binasang mga romance novels ni Helen Meriz.
Pagkasalang ng bigas sa kusinilya. Bumalik si Ronald sa kanyang nasimulang aklat. Binuksan niya ng banayad ang aklat sinimulan niya ito mula sa kanyang tinandahang pahina.
Malinaw sa mga isinulat ni Prop. Pascual na si Antonio Luna ay hindi isang perpektong sundalo. Sinubukan ni Antonio na isagawa at sundin ang lahat ng mga teorya ng pakikidigma na natutunan niya sa Alemanya, ngunit wala ni isa man sa teoryang ito ang nagbigay ng tagumpay kay Antonio. Maraming aklat sa kasaysayan ang makapagpapatunay na wala ni isang digmaang kanyang nilaukan ang kanyang pinanalunan. Hindi siya nakatikim ng panalo.
Maraming dahilan ang maaaring naging responsible sa kanyang kabiguan. Una, ang kanyang pagiging arogante. Mayabang ito. Akala mo kung sinong magaling. Hindi niya pinakikinggan ang mga mungkahi ng kanyang maliliit na sundalo. Magaan ang kamay. Di lang iilan ang nadampihan ng kanyang mga palad tuwing siya’y nagagalit. Dahil dito, ang kanyang pamumuno ay hindi kinikilala ng marami. Pangalawa, marami sa kanyang tauhan ang hindi naniniwala sa kanyang kakayahan. Pangatlo, pabugso-bugso kung siya ay magdesisyon. Hindi niya inaalam ang lahat ng mga sirkumstansya bago ito magdesisyon. Padalus-dalos. Pangapat, di iilang sundalo ang may lihim na galit sa pamilya Luna. Iniisip kasi ng ilang matatalinong sundalo na ang mga Luna ay mga opurtunista at sakim sa panunungkulan. Manggagamit.
Malupit na sundalo rin si Antonio. Hindi siya kumikilala ng tao tuwing siya ay galit. Maraming mga kapampangan tulad ni Ronald ang pinagmalupitan ni Antonio dahil sa paniniwalang ang mga ito ay traydor at kumakampi sa kaaway na Amerikano. Minsan niyang sinugod at sinunog ang buong bayan ng Macabebe,sa Pampanga, pati na ang simbahan nito ng minsang may isang mayamang Don na nagsumbong sa kanya sa kanyang kampo sa Calumpit. Maraming pamilya ang naging abo pati na ang kanilang mga ari-arihan dahil sa di makataong hakbang na ito ni Antonio. Ang dalawang bayan ng Macabebe at Masantol ay halos naging abo. Tumatakbo ang bawat pamilya, mga batang karga ng kanilang mga magulang, mga matatandang halos hindi na makatakbo, mga bahay na nagniningas. Hiyawan ng hiyawan. Humihingi ng saklolo. Ganito ang naging senaryo ng ginawa ni Antonio at ng kanyang mga kawal. Mula ng nangyari ito, nagkaroon ng matinding pagkasuklam ang mga kapampangan kay Antonio. Lalo na ang mga mamamayan ng Macabebe at Masantol. Marami sa mga ito ang nagbuo ng grupo upang maging mga mersenaryo. Bayarang mga sundalo na diumano’y kumampi sa mga pwersang amerikano kapalit ng pera. Ngunit isang dahilan pa na tititignan ng Propesor ay ang pagkasuklam ng mga Macabebes kay Antonio Luna. Matapos kasi ng kalupitang ginawa ni Antonio sa mga kapampangan, lahat halos sila ay nag-isip na maghigante. Ang pagkampi sa mga kalaban ni Antonio ang naisip nilang paraan ng paghihigante.
Naapektuhan ng lubos si Ronald sa mga nabasa. Isang dahilan ditto ay ang katotohanang siya ay nabibilang sa lahi na pinagmalupitan ni Antonio. Siya ay taal na mamamayan ng Masantol, isang bayan na kakambal ng Macabebe. Noong panahon ng digmaang Filipino-Amerikano, ang dalawang bayang ito ay iisa lamang. Sinasakupan ng Macabebe noon ang Masantol. Kung kaya’t napagisip ni Ronald na maaaring isa sa mga kalahi o dili kaya ay nuno niya ang nakaranas ng malupit at marahas na kamay ni Antonio. Hindi niya matangap sa sarili na minsan siyang sumama sa isang grupo ng mga magaaral sa PUP na nag-celebrate ng kabayanihan ni Antonio. Huwad na bayani pala ito. Parang nakikita ni Ronald ang mga pangyayari. Halos mawasak ang kanyang dibdib sa senaryong isinalarawan ni Propesor Pascual.
Bagong kaalaman ito para kay Ronald. Alam niya bilang isang estudyante ng kasaysayan, na ang imahe ng mga Macabebe Mercenaries sa mga aklat pangkasaysayan ay hindi maganda. Traydor. Mukhang pera. Mga bayolente. Taksil sa bayan. Ang mga katangian ding ito ang kalimitang idinidikit ng marami lalo na ng mga tagalog sa sinumang kapampangan na kanilang kaaway. Ngayon lamang yata niya nabasa sa isang aklat ang tunay na dahilan ng mga pangyayari. Ang mga Macabebe Mercenaries pala ay nabuo lamang dahil sa di masukat na galit ng mga ito sa mga sundalo sa pamumuno ni Antonio Luna.
Alam ni Ronald na ang pagiging mersenaryo ay naging hanapbuhay na ng maraming Macabebes bago pa man dumating ang mga Amerikano. Sila ay paborito ng mga kastila dahil sa kanilang galing sa pakikidigma. Nagsanay ang karamihan sa kanila sa arte ng pakikidigma sa ibang bansa tulad ng Inglatera. Ginamit din sila ng mga British upang lusubin ang Cuba. Ngunit kailanman hindi niya napagalaman ang muling pagkakabuo nito sa ilalim ng rehimeng Amerikano. Ngayon lamang niya ito nadiskubre.
17
Sa kama, ang magnobya ay nagkukwentuhan. Si George: “ Pwede ba tayong magtagal muna dito kahit hanggang 6 ng hapon bukas””
“Okay lang. Sabado naman bukas. Ano ba ang pumasok sa kokote mo at bigla kang naging napakalambing? Parang miss na miss mo ako! O, may problema ka?”.
“Wala lang. Naisip ko lang na masyado na akong maraming atraso sayo.” Inilapat ng binata ang kanyang pisngi sa may dibdib ng dalaga. Para siyang batang nakasandal sa kanyang nanay. Mahina.
Hindi likas na malambing si George sa nobya. Hindi niya madalas iparandam ang pagmamahal niya. Naninibago nga ang babae sa binata. Minsan ng nagdesisyon si Crystal na wakasan ang kanilang relasyon. Pinarating niya ang desisyon niya sa pamamagitan ng isang liham. Hindi nakarating ang liham kay George dahil natangap ito ni Ronald at hindi ito iniabot sa kanya. Hindi man binasa ni Ronald ang liham, na-sense niya na ito ay tungkol sa relasyon nila. Minabuti ni Ronald na itago na lang muna ang liham. Hindi niya muna ito binigay sa kapatid.
Sinabi pa ni Ronald sa kapatid : “Palagay ko George kailangan magkita kayo ni Crystal”.
“ Bakit kuya?”
“Matagal na rin kayong di nagkikita. Aba..kailangan din namang kayong magkita paminsan minsan di ba?”
Tinawagan ni George si Crystal kinabukasan at nag-set sila ng isang pagkikita. Sa Gateway Mall sa Cubao sila nagkita. Sa fast food ng mall sila nagkita. Ang buong akala ni Crystal, alam na ni George ang tungkol sa kanyang desisyon. Ngunit nang magtagpo sila. Masaya ang aura ng binata. Nagtataka si Crystal.
“Paanong masaya ang mokong na ito, e maghihiwalay na nga kami.”
Niyakap siya ng binata. Mahigpit. May pananabik.
“Kumusta na?”
“Eto, okey lang. Natangap mo ba ang aking liham?”
“Anong liham yun?”
Naisip ng dalaga na hindi nga siguro alam ni George ang nilalaman ng sulat. Maaaring hindi ito nakarating sa bahay nila. Nagtataka siya dahil wala namang bumalik sa kanya na sulat mula sa koreo.
“Mali kaya ang address na sinulat ko. Imposible.”
“O bakit mo naisipang makipagkita sa akin?”
“Wala lang, gusto ko lang na makita ka.”
Pag-upo ni Crystal sa mesa,sa tapat ni George, bumagsak ang luha sa kanyang mga mata.
“O bakit? May problema ka ba?,” tanong ng binata.
“Nahihirapan na ako George. Hirap na ako sa isang relasyong aya nito. Masyado na akong nakukulong sa relasyon na hindi ako sigurado sa nararamdaman ng lalaking mahal ko.”
Tahimik lamang si George. Nakikinig sa litanya ng nobya.
“Hindi tayo naguusap. Mayroon akong nobyo na naturingan ngunit minsan sa tatlong buwan lamang kong Makita. Nagtatanong na nga ang mga magulang ko kung may nobyo pa ako. Kasi ni anino mo ay hindi nila makita sa bahay. Minsan nga naiisip ko kung ano na kaya ang hitsura ng lalaking mahal ko ngayon. Mahirap talaga George.”
Naiintindihan ni George ang mga hinanakit ng dalaga. Malaki nga ang kanyang pagkukulang sa dalaga. Gusto man ni George kasi na makipagkita sa dalaga ay hindi niya magawa. Palagi niyang iniisip na wala siyang perang panlibre o pampamasahe man lang nilang dalawa. Ngunit ito ay hindi niya masabi sa dalaga dahil siguradong magagalit lalo ang nobya. Para bang iniisip niya na ang nobya’y isang pasanin at isang pinasyal na problema.
“’Tal, patawarin mo ako please. Alam ko na nagkulang ako sa iyo. Maari bang bigyan mo ako ng konting panahon na lamang at magbabago na ako. Mahal kita alam mo yan. Hindi ako pwedeng mabuhay ng maligaya ng hindi kita kasama.” Umiiyak na rin si George. Pinisil niya ang palad ng dalaga na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Gumanti rin si Crystal ng isang marahang pisil.
Hindi na natuloy ang hiwalayan. Nakangiti ang dalawa na nanood ng sine. Tawanan sila ng tawanan. Kung ano-ano ang kanilang pinagusapan. Para bang hindi na sila mauubusan ng paguusapan. Masaya sila.
Nakatulog na ang dalawa. Malamig ang hangin ng aircon. Nagyakapan na lang ang magnobya. Para bang sila’y nauubusan ng panahon at oras.

.13.-.14.
13
Kasalukuyang naliligo sa banyo si Prop. Pascual. Umaawit siya. Ito’y matagal nang hindi ginagawa ng matanda, ang kumanta habang naliligo. Masaya siya. Ilang oras din siyang naglagi sa silid niya maghapon. Ngunit parang hindi ito napagod. Hindi pagal ang katawan. Malakas ang tulo ng shower ng banyo animoy sumasaliw sa garalgal na boses ng matanda.
Si Joed ay naglilinis ng silid ng matanda. Nililikom niya lahat ng mga pinagsulatan ng matanda. Ang mga papel na nakakalat sa mesa ay kanyang binasa lamang, hindi niya ito pinakialaman sa kanilang pagkakaayos. Kilala niya ang matanda. Magagalit ito kung madiskubre niya na mayroong nagalaw sa kanyang ginagawa. Binasa lang niya. Seryosong basa.
Dala ang basurahan, lumabas na si Joed ng silid na siya namang pagpasok ng matanda na basing basa ang buhok. Hindi ugali ng matanda ang patuyuin ng tuyung tuyo ang kanyang buhok pagkatapos niyang maligo. “Pakiramdam ko hindi ako naligo pag tuyung tuyo ang buhok ko pagkaligo,” sagot niya nang minsang nagtanong si Joed.
“Joed, maghain kana ng hapunan. Kakain ako bago ako magsimula muli. Nakaluto ka na ba?”
“Okay po. Luto naman po lahat. Ano po dadalhan ko po kayo diyan o bababa kayo?”
“Bababa ako. May I-kukwento ako sayo.”
Kung mag-usap ang dalawa ay para na rin silang mag-ama. Napamahal na sa Propesor ang binata. Mabait daw ito. Palaging malinis ang bahay at walang naiiwang maruming pinagkainan sa lababo. Inuhugasan itong lahat ni Joed. Hindi katulad noong magisa ang matanda, minsan’y umaabot ng tatlong araw ang pinagkainan sa lababo. Inaamag na. Ang banyo ng matanda noon ay naninilaw na dahil sa dumi, at ngayon kumikintab ang mga tiles nito. Kaya laking ginhawa at pasasalamat ng matanda ng nagkaroon siya ng alagang tulad ni Joed.
Tuwing nagkakaroon siya ng mga katulong sa bahay galing sa mga agencies, nagkakaproblema siya. Minsa’y ninanakawan siya. Bale ng bale hanggang sa lumayas. Mayroon pa ngang isang bisaya na ninakawan na nga siya ng mga alahas ay nagawa pang isuplong ang Propesor ng pangmomolestiya. Hindi naman nagtagal ang kaso dahil hindi na sumipot sa mga pagdinig ang babae. Mula noon ay hindi na kumuha pa ng katulong ang matanda. Wala rin namang pamangkin ang propesor o di kaya’y kamaganakan na pwede niyang makasama. Nagtitiyaga ang matanda sa mga lutuin ng isang kantina na naghahatid sa kanya ng pagkain sa bahay. Kung kaya ang pagdating ni Joed sa bahay ay isang biyayang galing sa maykapal. May tagaluto na siya, hindi na niya kailanan pang magtiis sa mga recycled na ulam ng kapitbahay niyang kantina.
“Ang sarap naman nitong adobo mo Joed.”
“Ang tagal ko nang niluluto ang putaheng yan sir, ngayon mulang yata napansin at nalasaan na masarap.”
“Masaya lang kasi ako Jo. Sa wakes at mga ilang araw pa’t matatapos ko na ang aking artikulo. Matagal na rin kasing hinihingi sa akin ito ng kaibigan ko kaya lang hindi talaga ako makahanap at makahagilap ng tamang lakas ng loob para tapusin ito. Nandito na lahat ang mga detalye ng artikulo.” Hinawakan ang kalbuhing ulo nito.
“Tungkol ho ba saan yan?”
“Batang ito…Basahin mo na lang pag tapos ko na…tiyak na maiintriga ka.”
Hindi na nagtanong pa si Joed. Alam naman niya na ang isinusulat ng matanda ay tungkol sa pamilya ng mga Luna. Nalaman niya ito sa mga pagbabasa-basa niya ng mga isinulat ng matanda. Ngunit , hindi pa nya matiyak ang pinakatesis ng matanda dahil ito ay hindi pa nga tapos.
Pagkatapos ng hapunan, humakyat na ang matanda sa hagdanan. Mabagal na itong maglakad. Bakas ang kanyang katandahan. Nakakapit ito ng maigpit sa mga barandilya. Si Joed naman ay tumayo na rin. Niligpit ang mga pinggan, baso at iba pang pinagkainan. Itinuloy niya sa lababo at hinugasan ang mga ito. Pagkatapos niyang maghugas, nagmamadali itong pumunta sa may sala. Basa ang kanyang mga kamay na dumampot ng telepono at nagdayal.
“Halo, kailangan tayong magusap.”
14
Sa tambayan, si George ay may hinihintay. Humihithit ito ng sigarilyo na sa bawat buga niya ng usok ay natatakpan ang kanyang mukha. Tinatapik tapik nito ang isang bangkung kahoy na pinuputaktihan ng mga inukit na mga pangalan at mga sumpahan ng pagiibigan. Malamig na rin ang simoy ng hangin na humahampas sa kanyang wind breaker na suot. Mag-isa si George. Marami siyang mga ka-org na tumatambay ditto tuwing umaga’t tanghali. Alas siete na ng gabi, madilim na ang langit. Wala na rin ang maiingay na mga frat members na lumalagi naman sa ibang mga tambayan. Marami kasing mga klase ang nag-christmas vacation na ng maaga.
Dalawang matatangkad na lalaki ang lumapit kay George. Ang isa’y nakasuot ng puting sando samantalang ang isa naman ay naka-black jacket at maong pants. Kinamayan ng naka-jacket si George, nagusap sila habang ang isa pa ay umupo sa kabilang bangku. Walang imik.
Seryoso sila sa kanilang usapan.
Matapos ang mahigit na isang oras na usapan, iniabot ng nakasandong lalaki ang isang brown envelop at umalis na ang dalawang estranghero. Wala na ang dalawa. Binuksan ni George ang envelop na iniabot. Maraming pera. Tigisang libo. Nakalagay sa may harapan ng envelop ang halaga ng perang nasa loob. Isang daang libong piso. Malaki ito para kay George. Makapal ang envelop. Nandun din sa loob ang larawan ng isang matandang lalaki, isang aapating pahinang dokumento.
Isinilid ng binata ang envelop sa kanyang back pack. Kinakabahan. Pinagpapawisan ito. Iniisip niya kung tama nga kaya ang naging desisyon niya. Ngunit, tama man ito o mali, wala na siyang magagawa. Narito na ito. Walang urungan. Kung ngayon pa siya uurong, baka mapahamak siya at ang kanyang pamilya. Napa-oo na siya. Napilit siya ng isa sa kanyang ka-org, si Bren.
Sa paglalakad ni George palabas ng campus, nakita niya si Ronald na may kasamang dalawang dalaga. Hindi nagpahalata si George. Parang ayaw niya munang makita ang kanyang kapatid. Para siyang nakagawa ng isang pagkakamali o kasalanan na alam niya namang hindi pa niya nasimulang gawin.
Pinalampas niya muna. Nang nakalayo na sina Ronald, saka ito lumabas sa kanyang pinagkukublihan. Pawisin. Nagdesisyon siya na huwag muna siyang uuwi sa bahay ngayong gabi. “Didiretso na ako ng Laguna,” aniya sa sarili.
“Yayayahin ko si Crystal”.
Si Crystal ay matagal na ring nobya ng binata. Mula pa ito nang siya ay nasa high school. Hindi na nagaaral si Crystal. Huminto ito mula ng mamatay ang kanyang ama sa isang trahedya sa highway sa may Bulakan. Mahirap lang ang pamilya nila. Walang trabaho ang kanyang ina at dalawang kapatid nito ang nagaaral sa high school. Kailangan niyang tustusan ang pagaaral ng mga kapatid kung kaya’t nagparaya muna siya. Magaling pa naman sana siyang estudyante. Salutatorian siya noong nag-gradwado siya sa high school samantalang pangsampu naman sa list ng honors si George.
Napagusapan ng dalawa na sa may 7-11 convenient store sa may Boni Ave., Mandaluyong na lang sila magkikita. Malapit dito ang opisina na pinagtatrabahuhan ng dalaga. Isa siyang clerk sa isang Law Office sa Guadalupe, Ave. Konti lamang ang kinikita nito, sapat lamang para itustus sa pagaaral ng kanyang mga kapatid.
Nasa loob na ng 7-11 si Crystal nang dumating si George. Namimili ito. Lumapit si George sa dalaga. Nakahapit na pantaloon si Crystal. Seksi ito sa kanyang suot. Humalik sa dalaga. Sinuklihan din ito ng matamis na halik ni Crystal. Tatlong linggo na rin silang hindi nagkikita. Nanabik na rin sila sa isa’t isa.
“Bakit bigla kang nagyaya sa Laguna?” tanong ni Crystal.
“Wala lang na-miss lang kita. Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita. Pwede ba umabsent ka muna bukas. Hanggang bukas lang. Plslsls”
“Sige, pero wala akong dalang damit. At tatawagan ko pa si Atty. Baka hanapin ako.”
“Bili ka na lang muna ng ilang piraso sa may Mega Mall. Charge sa akin….”
“Ang yabang mo…Parang may pera ka ngayon. Naninibago ako.”
“Anong palagay mo sa akin, poor.!!”
“OO.!!”
Bitbit ang isang supot ng mga junk foods, tumuloy ang magnobya sa Mega Mall. Sa loob ng mall, kumain muna sila sa Pizza Hut. Matapos bayaran ang bill sa kinain, iniabot ni George ang dalawang libo kay Crystal. Nagulat ang babae. Hindi mapaniwalaang may pera ang binata.
“Totoo ba ito?”
“Ano kaba? Hindi peke yan. Kumita ako sa isang raket na binigay ng isang kaibigan. Kaya ikaw ang una kong naisip na ilibre. Kaya wag kanang magtanong loves ng kung ano-ano.”
Namili si Crystal ng dalawang pirasong blouse at isang pantaloon, at ilang pirasong undergarments. Pumili na rin siya ng T-Shirts at pants, at underwear para kay George. Si George ay sunod-sunuran lang. Tango lang ng tango sa bawat damputin ng dalaga. Tinititigan niya ang dalaga sa bawat kilos nito. Mahal niya ang dalaga. Sigurado siya dito.
Sumakay sila sa isang taxi patungong Calamba, Laguna. Matapos ang isa’t kalahating oras, nakarating sila sa La Verdad Resort. Dati na rin silang pumupunta rito. Kilala na nga sila ng mga tauhan ng resort. Kaibahan lamang ngayon ay si George ang gagastos at magbabayad. Madalas kasing si Crystal ang nagbabayad dahil siya nga ang may hanapbuhay.
Pumasok sila sa isang silid na dati na rin nilang pinapasok at inookupahan. Tapat na tapat ito sa isang average size na pool. Walang masyadong tao ang resort. Hindi peak season. Disyembre.
Sa loob ng silid, mahigpit na hinawakan ni George ang kamay ng dalaga. Nangungusap ang mga tingin niya sa dalaga. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ng nobya. Hinalikan ng ubod ng init. Ang kaliwang may niya ay gumala sa may bandang dibdib ng dalaga. Matagal na halikan.
“Shower lang ako loves”, marahang itinulak ni Crystal si George.
Inayos ng dalaga ang mga gamit sa isang iskaparate. Kinuha niya ang isang putting tuwalya na nakalatag sa may kama. Naghubad siya ng kanyang mga damit. Tinititigan ni George ang magandang hubog ng katawan ng nobya. Makinis.
Sa may banyo, ipiniit ng dalaga ang shower. Sinabon niya ang kanyang buong katawan. Binanlawan. Binuksan ni George ang pinto ng banyo. Hubad na rin ang binata.

.11.-.12.
11
Sa kanyang silid, nakatulala si Greg. Hindi niya lubos maisip ang mga sinabi sa kanya ng ama. Yung ligaya kagabi sa piling ni Marge ay nahalinhinan ng mga pangamba. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito katinding takot. Nanginginig ang kalamnan niya. Daig pa nito ang naramdaman niya ng siya ay mumuntikmuntikang bumagsak sa trigometry noong high school siya. Di hamak na mas matindi kaysa noong nagpapatuli siya sa isang magandang narses sa bayan. Nahihiya rin siya sa kanyang sarili. Sinasalo ng kanyang mga palad ang biluging mukha nito. Sumisingit sa pagitan ng daliri ang mga patak ng luha. Nakayuko ito. Ang kamang inuupuhan niya ay animoy nakikisimpatya. Lagitik ito ng lagitik.
Lumabas na ng bahay ang ama. Pauwi na ito ng Ilocos. Kung mayroon man siyang reklamo sa sinabi ng ama, hindi na niya kayang sabihin pa ito. At kung nasa bahay pa ito, wala rin siyang sapat na lakas ng loob na suwayin ang ama sa kanyang utos o pakiusap. Mahal niya ang ama at ang pamilyang kinagisnan niya. Lahat ng hiniling niya sa ama ay naibigay. Lahat ng naisin ay nakukuha niya. Ang lahat ng comforts sa mundo ay naranasan niya dahil sa pagmamahal at pagbibigay ng ama. Ngayon lamang ito humiling sa kanya. Mahirap ipahiya ang taong mahal mo at kinauutangan mo ng loob.
Pumatak ang luha ng binata ng maisip niya ang kabigatan ng obligasyon na kailangan niyang tuparin. Tumayo siya at dinayal niya ang numerong ibinigay sa kanya ng ama. Handa na siya sa tungkulin niya bilang miyembro ng pamilya. Mahirap man ito at mabigat sa kanyang dibdib, kailangan niya itong gawin. Hindi rin lubos maisip na kayang gawin ng ama ang lahat ng kanyang ikinuwento sa kanya. Iba ang pagkakakilala niya sa ama: napakabait, responsible, masigasig na alkalde, at bukal sa loob ang kabutihan. Lahat ng kanyang pagtingin sa ama ay nawala sa isang saglit lamang.
“Hello…Ako po si Greg San Pedro, ang anak ni Mayor San Pedro ng Ilocos. Kailangan po yata tayong magusap,” sambit ng binata sa kausap sa kabilang linya. Sa boses ng lalake sa telepono halata na bata pa ito. Hindi sila nagkakalayo ng edad. Maaaring mas matanda lamang ng ilang taon ito kay Greg. Subalit sa boses ng lalake, punong puno ng determinasyon at lakas ng loob.
“Ikaw pala Greg. Matagal ko nang hinihintay ang tawag mo,” parang kilalangkilala si Greg ng lalake. Pilit na inaalala ni Greg kung saan niya narinig ang boses sa kabilang linya. Ngunit wala siyang matandaan na pagkakataon na nakausap na niya ang lalake.
“Nagkausap na po ba tayo dati?” usisa ni Greg.
“Hindi pa. Kaya lang tayo ay magkamaganak Greg. Malapit na magkaanak.”
“Ganun po ba.”
Nagpalagay siya na magkaanak nga sila. Hindi sanay si Greg na makipagusap sa kahit kaninuman sa telepono ng matagal. Hindi ito komportable. “Pwede po ba tayong magkita?”, tanong ni Greg. Hindi umiimik ang lalake sa kabilang linya. Nagiisip. “Tatawagan na lang kita para sa mga instructions ko. Hindi naman natin kailangan ng matagal na usap usap pa. Madali lamang ang lahat. Susundin mo lamang ang lahat ng ipagagawa ko sayo. ” malinaw na sabi ng lalaki bago nito ibinababa ang telepono. Banayad at marahang ibinababa na rin ni Greg ang hawak na telepono. Bumaling ang tingin niya sa isang wall clock na nakasabit sa dingding. Ala-una na ng hapon.
Ang pakiramdam ni Greg ay masyado siyang dinodominahan ng lalaki. Ang mas masakit wala siyang magagawa. Kailangan niyang sundin lahat ng ipagagawa sa kanya ng lalaki. Bilin at pakiusap ito ng ama. Isa siyang papet na ikikilos lamang ang lahat ng naiisin ng papetir. Ang personalidad niya ay malayo dito. Siya ay isang liberal at independent na tao. Ang sumunod sa nais ng iba ay hindi niya kailanman naging ugali. Mayroon siyang sariling bait. Nagbago na ito lahat. Naging mahina na siya. Isa na siyang sunudsunuring papet ngayon.
Sa kanilang sala, tinititigan ni Greg ang mga oil portraits ng lolo at ama niya. Tinitigan niya ang pangalan ng nagpinta. Hindi niya ito lubos mabasa. Pirma lamang ito. Malinaw lamang ang petsa: 1975. Binata pa ang ama. Mga nasa edad na 25 lamang ito. Samantalang nasa edad 55 na ang lolo nito nang ipininta ang mga ito ng pintor.
Mahilig ang pamilya sa mga obra ng sining. Ang bahay nila Greg sa Ilocos ay parang isang galeriya. Iba’t ibang kwuadro ng sining ang makikita sa bawat sulok ng mansyon. Bawat obra ay mayroong kanya kanyang kasaysayan. Kabisado ni Greg ang bawat isa pati ang pangalan at buhay ng pintor. Subalit hindi kailanman sumagi sa isip niya ang pagaralan ang mga old portraits na ito. Sa tagal tagal na niyang nakikita ang mga ito mula pa noong siya ay bata, hindi niya maintindihan kung bakit nakalampas sa kanyang mapanuring mga mata at isip ang mga ito. Marahil masyadong sanay na ang mata niya sa mga ito. Pati na ang mga obheto ng mga ito ang kanyang lolo at ama.
Ang bahay na ito sa Kamias St. ay isang old house. Walang balak ang pamilya nila Greg na ipagiba ang bahay dahil sa maraming alaala na nakakabit sa bawat dingding ng tahanang ito. Panahon pa ng mga kastila nakatayo na ito. Maraming panahon na ang pinagdaanan ng bahay. Minsan na itong nagiba dahil sa isang bomba na bumagsak doon nang kasagsagan ng pangalawang digmaang pandaigdig na kung saan maraming buhay ang nawala. Ang mga sosyalayt ng Maynila noon ay nagkakaroon ng maliit na piging. May namatay na anak ng mayamang negosyante. Namatay din dito ang isa sa kapatid ng lolo ni Greg na si Don Juan.
Malawak ang hardin nito at nagkalat ang makukulay na bulaklak. Matagal na ring hindi nagugupitan ang mga halaman dahil sa pagkamatay ni Mang Ambo, ang dating katiwala ng bahay. Kasama ngayon ni Greg sa bahay ang anak ni Mang Ambo na si Mameng. Masipag ito at maalaga kay Greg. Malapit ang binata kay Mameng. Lahat ng kanyang paboritong pagkain ay alam lutuhin ni Mameng. Nakakapagsabi rin si Greg kay Mameng
tuwing siya ay nagkakaroon ng problema sa kahit anupamang bagay.
“ Gusto mo bang maghain na ako?” pumasok si Mameng.
“Huwag na Tita. Busog ako.” Malaganang tugon ni Greg.
“Parang malungkot ka yata anak. Hindi ka ba nakatulog ng maayos? Pinagalitan ka ba ni Meyor? Nag-away ba kayo ng bagong syota mo?”
Hindi sumagot ang binata. Ngunit naiintindihan na ni Mameng ang nararamdaman ng binata. Mukha lamang ng binata ay basang basa na ni Mameng. Mula ng mamamatay si Mang Ambo, iginugol na ni Mameng ang oras niya kay Greg. Itinuring niya itong tunay niyang anak. Hindi na nakapagasawa si Mameng dahil sa lubos niyang pagmamahal kay Greg. Minsan na niyang binalak na magasawa. Ngunit hindi na niya itinuloy ng maisip niyang magkaroon ng malaking problema kapag siya ay nagkaroon ng pamilya. Maaring huminto na siya sa trabaho niya kina Greg at tuluyang mapalayo sa binatang kanyang anak-anakan. Hindi na iba ang tingi ng pamilya kay Mameng. Hindi na rin siya itinuturing na katulong o katiwala. Kapag ka minsang nagkakasakit ito, lumuluwas pa ng Maynila ang ina ni Greg upang ipagamot siya. Bihira na ring umuwi si Mameng sa Leyte dahil sa wala na rin lamang daw siyang madadatnan na kamaganakan dahil patay o dili kaya’y nagsipaglipat na ang mga ito ng probinsya dahil sa patuloy na paghirap ng buhay nila sa Leyte.
“ Tita, ano-anu ba ang nalalaman mo sa kasaysayan ng aming pamilya?”, baling ni Greg kay Mameng. Nabigla si Mameng. Hindi niya inaasahan ang tanong ng binata. Ngunit kailangan niyang sagutin ang tanong. Alam niya ang ugali ng binata. Hindi siya titigilan ng binata.
“ Bakit naman ganyan ang tanong mo? Di ba ikaw ang mas nakakaalam ng kasaysayan niyo. Hindi ninyo ako kapamilya.”
“ Ngunit Tita, sa tinagal tagal ng serbisyo mo sa pamilya at pati ni Lolo Ambo, mas marami kang nalalaman sa akin. Huwag mong sabihin na hindi ka kinuwentuhan ni Lolo Ambo.!”
“ Greg, marami ngang mga istorya na ikinuwento si Lolo Ambo sa akin ngunit hindi naman masyadong mahalaga ang iyon. “
“Tulad ng…..” ani Greg.
“ Tulad ng minsang sinamahan daw ng Lolo Ambo mo ang iyong ama sa may Bulacan upang siya ay manligaw. Tuwang tuwa ang Lolo Ambo mo sa kanyang pagkukwento. Sabi niya, ang ama mo daw ay romantiko at galante. Dala daw ni itay ang isang malaking karton ng regalo at dalawang dosena ng rosas na binili nila sa Baguio.. Pagdating sa bahay ng dalagang nililigawan, tumambad daw sa Lolo Ambo mo ang mga magulang ng babae. Ang ama mo ay naiwan sa kotse dahil ipinaparada ang sasakyan. Nasa pintuhan na si Lolo Ambo. Dala ang regalo at bulaklak. Ang buong akala ng mga magulang ng dalaga si Lolo Ambo ang manliligaw ng kanilang anak. Binastos daw ang matanda ng mga magulang ng dalaga. Sinabihan nila ito ng mga masasamang mga salita. Ngumingiti lamang ang Lolo Ambo. Hindi siya pinapasok. Sinarhan siya ng pinto. Nang nasa may pintuan na ang ama mo. Kumatok muli, hindi niya alam ang mga pangyayari. Sumigaw ang mga magulang ng dalaga, Lumayas ka dito.!! Gurang!!Umuwi ka sa pamilya mo.!!. Nagulat ang ama mo. Niyaya ang Lolo Ambo mo na umuwi na sila. Sa may sasakyan, ikinuwento ni Lolo Ambo ang nangyari. Tawanan sila ng tawanan sa kotse. Kinabukasan bumalik ang ama mo sa Bulacan. Magisa na lamang siya. ” pinilit ni Mameng na patawanin ang binata.
Isang malaganang ngiti ang sinukli ng binata. Sa isip niya, hindi nasagot ang tanong niya. Malayo sa nais niyang malaman ang kwento ni Mameng. Nakakaaliw man ang kwento, hindi na niya nakayanang humalakhak. Malungkot pa rin ang mga mata ni Greg. Halata ito ni Mameng. Niyakap na lamang niya ang binata. Alam niya na malalim ang problema ng binata. Hindi na ito umimik pa. Umiyak na lamang silang dalawa. Walang mga salita.
12
Binabasang muli ni Lea ang eskrip ng “ May Isang Sundalo” ni Rene Villanueva. Nabubuhay sa kanyang isip ang bawat nababasa niyang mga eksena. Humihinga ang bawat karakter. Nagandahan ang dalaga. Tama nga si Cindy, bagay dun sa lalake sa aklatan ang karakter ng pangunahing bidang lalake ng dula. Matipuno. Kayumangi ang kulay ng balat. Pati ang tikas nito ay tugma sa karakter. Lumapit sa may telepono.
“Halo, Cindy, nakausap mo na ba yung guy sa aklatan?”
“Bakit?”
“Kasi parang tama ka. Bagay nga sa kanya ang papel.”
“Baligtad yata ngayon, kahapon lamang ay ayaw mong sumangayon sa akin. Pinilitpilit pa kita. Ngayon….Ano ba ang nagyari sa iyo.? Nagahasa ka ba?..” biro ng dalaga sa kabilang linya.
“Hindi ako nagbibiro. Tawagan mo. Kausapin mo na. Pilitin mo. Gumawa ka ng paraan. Bye…..” binagsakan niya ng telepono si Cindy. Iniiwasan niya ang iba pang mga tuksong aabutin niya mula kay Cindy.
Nag ring ang telepono ni Lea.
“O ano? Bakit?”, si Cindy nga ang nasa kabilang linya.
“Alam mo girl, bastos ka. Binagsakan mo ako ng phone. How dare you? Kita tayo mamya sa library, mga 6pm. Baka nandun siya. Ako ang kakausap. Tiyak ko na nandun siya. Malaki tama sa yo ng guylalo….eheheh”, binagsakan niya si Lea. Nakaganti na siya.
Alas singko na. Nagtungo na si Lea sa may banyo. Naligo na siya. Sa may banyo, hindi naalis sa kanyang isip ang mga eksena sa dula. Kahit anong pikit ng mata niya ay patuloy ang pagalaw ng mga karakter sa isip niya. Parang pelikulang ayaw tumigil. Hindi naman siya nagnanasa sa binata sa aklatan. Ngunit parang nagayuma siya ng dula. Napakaganda talaga ng dula. Una niya itong nabasa noong nasa hayskul siya. Ipinakilala kasi ng kanyang titser sa English ang mga sulatin ni Rene Villanueva. Ang titser niya ay isa sa naging kaklase noon ni Villanueva sa isang writing course sa UP.
Ganito talaga ang epekto ng magandang materyal sa katawan at isip ni Lea. Parang opyo na sumasakop sa buong katawan niya. Artista nga marahil si Lea. Tunay na artista. Ang puso niya ay sa teatro. Nangyayari ito palagi sa kanya.
Paglabas niya ng banyo. Kumalat sa buong silid niya ang amoy ng shampoo na ginamit niya. Napakabango ni Lea. Humarap siya sa may tukador. Tiningnan ang kanyang mukha. Dumampot ng isang mapulang lipstick at saka niya ito ipinahid sa manipis niyang labi. Umarte siyang parang isang malanding pokpok sa Quezon Ave na pumapara ng mga motorista. Kumuha ng isang istik ng eyeliner at ginawa niya itong isang sigarilyo. Inilagay sa bibig niya. Kunwari’y bumuga ng usok sa may salamin. Kinagat ang labi na punong puno ng sensasyon. Ayan, malandi na siya. Sa isip niya, siya na ang karakter na babae sa dula.
“Aba, konting ensayo na lamang at ako na ang puta ni Rene Villanueva.” Pagmamayabang niya sa sarili.
Nagbihis na siya. Naka mini skirt siya na maong at isang hapit na hapit na blouse na kita ang pusod nito. Sa kanyang pananamit sinisimulan na niyang gayahin ang karakter. Ganito palagi si Lea. Ito ang kanyang paraan upang masanay siya sa karakter. Tinututoo niya. Seksi naman ang dalaga kahit na mayron siyang bahagyang bilbil sa may tagiliran dahil nag kocomplement naman ito sa bilugin niyang mukha.
Sa may Filipiniana na dumiretso si Lea. Suot ang ID, nagpatala siya sa may talaan sa pinto ng seksyon. Iginala niya ang kanyang mata. Wala si Cindy. Wala rin ang binata. Pagtingin niya sa relo niya sa baso, “5:45 lamang pala”. Pumwesto siya sa may malapit sa pasukan. Kung sakali mang dumating si Cindy, madali niya itong makikita.
Matapos ang ilang sandali, umaangos na dumating si Cindy. Pawis na pawis. Hingal. “O ano? Wala pa ba ang ating prospect?” , umupo siya sa tabi ni Lea. “Baka naman wala siyang pasok ngayon. Hintay tayo hanggang 6:45. Pag wala pa ang guy, eskerda na tayo,” dugtong ni Cindy.
“ Hiram ka ng kahit na anong aklat. Paaalisin tayo ng librarian.”, utos ni Lea kay Cindy. Tumayo si Cindy at tumungo sa librarian. Hinalungkat ang mga catalogues. Isang pictorial na aklat tungkol kay Jose Rizal ang nakita niya sa catalogue. Isinulat ito ni Montemayor. Binigay sa Librarian ang call number. Pumasok sa mga shelves ang librarian at pagbalik nito ay bitbit ang isang manipis na berdeng libro at iniabot iyon kay Cindy.
“Okay ‘to. At least hindi ako magbabasa ng marubdub. Parang album lamang ito ni Rizal.” Naiisip ni Cindy. Nang patungo na siya sa upuan, nakita ang likuran ng isang lalaki na kausap ni Lea. Hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki. Nang nasa malapit na siya, “Ang lalaki sa aklatan!!”.
“ May kasama ka pala,” anang binata.
“Oo nga pala, si Cindy, kaibigan ko at kaklase.”
“Ronald,” iniabot ng binata ang kamay kay Cindy.
“Nice meeting you…,” ani Cindy.
Tatayo ang binata. Pinigilan siya ni Cindy. “San ka pupunta?” Nabigla.
“Sa banyo lamang at magpapalit ng damit. Galing kasi ako sa probinsya, mabaho at amoy usok na. Naji-jingle na rin ako. Iwan ko lang dito ang gamit ko ha.” Sagot ni Ronald.
“Balik ka ah….” Si Cindy.
Tumango lamang si Ronald at nakangiti. Umalis na ito at tumungo sa palikuran. Pag-alis niya. “O girl, bakit siya nandito sa mesa natin at lumapit?” tanong ni Cindy sa kaibigan.
“Nakiusap siya na pakibantayan daw yang bag at mga gamit niya kasi nga siya ay pupunta sa banyo….” Sagot ni Lea.
“Ganun!!!, ginawa pa tayong tagabantay. Akala ko pa naman nagtatapat na sa iyo. Hindi mo pa sinabi ang pakay natin sa kanya?” Si Cindy ulit.
“Hindi.! Di ba ikaw ang magsasabi kamo?”
“Sabi ko nga.”
“Dala mo ba ang script?” usisa ni Lea sa kaibigan.
“Hindi. Nakalimutan ko, akala ko kasi ikaw ang magdadala. Hayaan mo ako na lang ang bahala. Tatangapin niya ang role kahit na hindi niya nabasa ang script. Tiyak ko yan sayo girl.”
“Ay naku. Kung ikaw talaga ang aasahan ko walang mangyayari. Buti na lamang at naalala kung ilagay sa bag ko ang script na ito”, inilatag ni Lea sa ibabaw ng mesa.
Paparating na si Ronald. Matipuno talaga ang binata. Bakat ang kanyang dibdib sa kanyang manipis na putting T-shirt. Malapad din ang kanyang mga balikat. Bumabagay ito sa kanyang mukha. Kayumangi ang binata. Manipis din ang gupit ng buhok. Mukha siyang tunay na kadete. Walang duda na bagay sa kanya ang karakter ng sundalo. Tinititigan si Ronald ng dalawang dalaga. Hindi malaman ng binata ang kanyang ikikilos. Akala mo ay isang baguhang artistang nakatapat sa kamera.
Nakangiti si Ronald na umupo sa may tabi ni Cindy. Tinapik siya ni Cindy. “ Ronald…May kailangan kami sayo ng aking kaibigan. Wag kang mag-alala dahil hindi ka naming momolestiyahin.”
“Ano yun?”,tumawa lamang ang binata.
“Kailangan ka namin sa aming dula…Wag kang tatanggi dahil hindi ka sasagutin ng aking dalaga rito….”tinitigan siya ni Lea ng masama.
“ Extra, okay. Wag lang akong aarte. Tatawid tawid sa entablado, okay yun. Mahina rin akong magmemorya. Wala talaga akong chance dyan.”
“Ikaw ang bida,” ani Cindy.
“Di talaga ako pwede. Excuse muna ako dyan. Wala akong pag-asa pagdating sa pagarte.”
“Sorry ka na rin sa aking kaibigan, wala ka na ring pag-asa.” Biro ni Cindy.

.9.-.10.
9
Walang pasok si Sir Pascual. Kailangan niyang ipagpatuloy ang nasimulan nang papel na ipinangako niya sa isang kaibigang propesor sa UP. Ang kanyang kaibigan ay syang natalagang editor ng Sinag , isang dyornal ng kaguruhan ng Departamento ng Kasaysayan sa UP. Ang tema ng dyornal na ilalathala sa susunod na buwan ay 1898: Ang Rebolusyong Pilipino. Tugmang tugma ang ekspertis ni Sir Pascual sa tema ng dyornal. Ang papel ay siyang pinale at sequel ng Luna’s Fiction.
Sa may kwuarto ng matandang propesor ito nagmamakinilya. Nagkalat sa kanyang silid ang mga maliliit na papel na nakadikit sa dingding. Ganito siya magsulat. Ang mga mahahalagang produkto ng kanyang pananaliksik ay nakapaskil ayon sa panahon, tema at pananaw. Walang ibang nakakapasok sa silid ng matanda. Maging si Joed ay hindi makapsok sa silid. Nagkalat din ang mga aklat at iba’t ibang mga matatandang dyornal. Maalikabok ang buong paligid. Sa may tabi ng mesa ng matanda, nagtatambakan ang mga burol burol na nilamukos na papel. Seryoso ang matanda. Nakalimutan na niyang mag-almusal. Tawag na ng tawag si Joed sa ibaba ng bahay.
“ Sir, kain na. Luto na po ang pagkain.”
Tanghalian na. Parang hindi namamalayan ng matanda ang oras. Nalulong siya sa kanyang ginagawa. Sa kanyang pakiramdam, ito na yata ang huling papel na kanyang maibabahagi sa larangan ng kasaysayan. Sa edad na 80, alam niya na nanghihina na siya. Hindi na siya kasing lakas ng dati. Mabilis na siyang hingalin. Ang kanyang mga mata ay patuloy na rin sa paglabo. Kulubot na ang kanyang balat. Kitang kita ito sa bawat tipa niya ng mga letra sa makinilya.
Kumatok na si Joed. “Gusto niyo Sir, Dalhan ko nalang kayo dyan?” alok ni Joed. Hindi sumagot ang matanda. Bumaba si Joed, naghanda siya ng pagkain para sa matanda. Dumampot ng isang malaking pritong tilapya mula sa mesa. Sumandok siyang isang tasang kanin. Pumutol ng isang pirasong saging. Bumuhos siya ng malamig na tubig sa basong may yelo. Umakyat muli sa silid ng matanda.
“Sir, nandito na po ang pagkain nyo.”
“Ipasok mo na Jo. Bukas yan.”
Itinulak ni Joed ang pinto sa pamamagitan ng kanyang balikat. Tumanbad sa binata ang pagal na katawan ng matanda. Ngunit sa mata ng matanda, kitang kita ang sigla. Siya ay tuwang tuwa sa ginagawa. May tatlumpong taon na ring hindi nagsusulat ang propesor. Ang pinakauling trabaho niya ay ‘Luna’s Fiction’ pa. Marami ang nagulat dahil sa pananamlay ni propesor noon sa pagsusulat. Naghinayang ang marami. Kung anuman ang kanyang dahilan ay hindi nalaman ng ninuman.
Tinuon na lamang ng propesor ang kanyang pansin sa pagtuturo sa mga unibersidad. Hindi na siya naging aktibo sa larangan ng pananaliksik. Wala siyang naging makahulugang produkto sa nakaraang mga taon. Ang kanyang ginagawang papel ay maaaring ikakamangha ng maraming akademiko. Iniisip kasi ng marami na siya ay patay na. Marami na ang mga bagong historyador na lumutang. Marami ang naging popular. Sa pamamagitan marahil ng bagong obra ng propesor, ang kanyang pangalan ay lilikha ng ingay. Maraming kontroberyal na trabaho ang propesor. Isa na rito ang “Luna’s Fiction”. Kontrobersyal ang obra niyang ito dahil sa mga impormasyon na hindi kailanman inilaad sa anumang aklat. Naryan din ang mga papel niya tungkol sa mga ebidensyang kanyang ipinakita ukol sa pagkakapatay kay Andres Bonifacio. Kanyang pinatunayan na si Emilio Aguinaldo ay may kinalaman dito. Kanyang inilaad din ang korupsyong naganap sa pamahalaang Aguinaldo. Nagalit sa kanya ang ilang opisyal ng Cavite. Ilang taon din siyang hindi nakapasok sa lalawigan dahil sa isang resolusyon na nilagdaan ng mga opisyales ng local na pamahalaan ng Cavite.
“ Jo, ilabas mo na rin itong mga basura ko. Sunigin mo sa may likuran.”
“Sige po.”
Inipun ni Joed ang mga kulukulumpon na papel sa may paanan ng matanda. Dala ni Joed ang mga papel na lumabas ng silid. Isinara niya ng banayad ang pinto ng silid ng propesor. Tatanungin niya sana ang propesor kanina kung ano ang tema ng kanyang papel, kaya lamang ay nahiya ito. Baka kasi maisip ng propesor na nanguurirat siya. Bago ito bumaba ng hagdanan, dumaan muna siya sa kanyang silid na malapit sa may balkonahe.
10
Iniabot ni Ronald ang bente pesos sa tricycle. Sumalubong sa kanya ang ina. Nakaduster ito na bulaklakin. Maganda pa ang ina ni Ronald, maganda ang kutis kahit na ito ay nasa bukid lamang. Nasa edad singkwenta na siya. Dati siyang nagtuturo sa isang pampublikong paaralan sa kabilang bayan hanggang sa ito ay magdesisyon na ituon na lamang ang kanyang pansin sa pagaalaga sa mga anak. Matapang at disiplinaryan ang ina ni Ronald. Noong bata pa silang magkapatid ang ina nila ang naging guro nila sa bahay. Pagkatapos ng hapunan, lahat ng mga aklat at mga notebooks nilang magkapatid ay nakalatag na sa mesa. Iniisa-isa ng ina ang mga araling bahay nila. Hindi pwede ang manood ng TV tuwing araw ng Lunes hanggang biyernes. “May titser kana sa escuela, may guro kappa sa bahay,” palaging angal ni George. Nagbunga naman ang mga hirap ng ina. Si Ronald ay palaging nangunguna sa klase mula noong elementarya hanggang sa hayskul. Si George naman ay naging abala sa student leadership. Palagi siyang nagagawaran ng mga parangal bilang mahusay na lider istudyante. Aktibo ito. Hindi nga lamang sa larangan ng akademiks. Maayos ang pagpapalaki ng kanilang ina sa kanila. Kaya nang magkaproblema si George sa kolehiyo, nagdamdam ang ina nila. Ngunit napupunan naman ito ng pagiging consistent dean’s lister ni Ronald. Masipag magpaaral ng anak ang mga magulang nila. Palibhasa’y parehong guro, ang edukasyon para sa kanila ay mahalaga. Hindi nila pinayagan isa man sa kanilang mga anak ang magtrabaho habang nagaaral. Ang pananaw nila: tungkulin ng isang magulang ang paaralin ang mga anak. Kaya kahit na magkanda-utang-utang ang ama ni Ronald, paruloy pa rin sila sa pag-aaral. Naaawa minsan si Ronald sa ama dahil halos na yata ng mga kaibigan nito na may kaya ay nautangan na niya.
“Ang aga mo anak ah!” humalik ito kay Ronald.
“Kumusta na po kayo inay?”
“Mabuting mabuti kami ditto ng ama mo anak.”
Bumaba sila sa may hagdang lupa, sa may ikalawang baitang napatisod ang ina. “Daan-daan nay. Bakit kasi hindi pa ninyo ipaayos yang hagdang iyan tuloy malapit sa disgrasya. Pag-umuulan lalong madulas yan. Ingat ingat kayo.”
“Anak, yung ipagpapagawa diyan pambaon na lang ninyong magkapatid. Pag nakatapos naman kayo maaayos na natin ang bahay na ito,” nakangiting sabi ng ina.
“Nasan po ba si tatay?”
“ Nasa school na siya daanan mo na lang siya doon mamaya. ”
“Nay, iniwan po ba ni tatay yung pambayad sa bahay at allowance ni George?”
“Wala pa anak, dumiskarte pa siya sa school ngayon. Sabi niya, dumaan ka nalang daw doon sa kanya. Kumain ka muna, naghanda ako ng arrozcaldo diyan. Yung isang inaing manok ay tininola ko kagabi at ang mga lamang loob at ilang pirasong laman ay arrozcaldo naman ngayong umaga. ”
“Sarap nun!” gutom at pagod na nga si Ronald dahil biyahe. Kadalasan kasi sa biyahe natutulog siya, ngayon lamang yata siya hindi natulog sa biyahe dahil sa ganda ng aklat na binabasa. Hindi niya namalayan na nasa bahay na siya.
Sa kanyang pagbabasa sa FX, nalaman niya na ang aklat ng propesor ay tungkol sa pamilya ng mga Luna. Ang mga magkakapatid na Luna na naging prominente noong panahon ng rebolusyon laban sa mga kastila hanggang sa panahon ng mga amerikano. Bayani ang turing ng bansa sa kanila. Ang mga aklat ng kasaysayang pinagaralan niya mula pa noong elementarya ay naglalarawan sa mga magkakapatid na tunay na kapuri-puri.
Ang aklat ng propesor ay naiiba. Sa unang kabanata pa lamang ay mababasa na na ang aklat ay magiging kritikal sa mga Luna. Sinabi ng propesor sa isang bahagi ng kabanata:
Ang Luna ay isang pamilyang Pilipino na kinikilala ng bansa bilang dakila at patriyotiko. Marami sa kanila ang nagkaroon ng mahalagang bahagi sa lipunang pilipino noong panahon ng rebolusyon. Si Joaquin, Juan, Jose at Antonio ay magkakapatid na Luna na naging tanyag sa kanikanilang larangan. Si Joaquin, Jose at Antonio ay naging miyembro ng Malolos Congress. Si Juan ay isang tanyag na pintor na kilala sa buong Europa at maging sa buong mundo dahil sa kanyang likhang sining na pinuri at pinarangalan sa ibat ibang internasyunal na eksposisyon. Subalit, ang aklat na ito ay hindi isinulat upang ulitin at dakilahing muli ang
kanilang mga ginawa sa bayan noong 19 dantaon. Ang aklat na ito ay isinulat upang rebisahin ang buhay nila sa pamamagitan ng mga eksposisyon ng mga bagay na hindi inilalabas ng mga naunang manunulat ng kasaysayan sa kadahilanang hindi natin alam. Ilalaad ng aklat na ito ang mga Luna sa pamamaraang makatotohanan at sinsero. Walang pagtatakip. Walang takot. Walang pagsisinungaling.
Naintriga si Ronald. “ Mayroon pa bang mga bagay na hindi ko nabasa tungkol sa mga Luna?” pagmamayabang niya sa sarili habang nagpapakarga ng gasoline sa may Pulilan, Bulacan ang FX.
“ Anak, kumusta naman ang pag-aaral? Si George? Bantayan mo yun. Wag dapat na malingat sa iyong mga mata ang kapatid mo. Alam mo naman yun masyadong makipagkaibigan. Mabarkada.” Iniaabot ng ina ang kutsara at tinidor sa anak.
“ Maayos na man po inay sa pagaaral ko. Baka dean’s lister ako ulit sa pagtatapos ng semester. Maganda po kasi halos lahat ang resulta ng Midterm Exams ko. Si George naman po ay hindi naman nag-aabsent. Pinagtatanong ko nga sa kanyang mga guro ang kanyang performance. Okey naman daw po,” pinaabot niya sa ina ang baso ng tubig sa may gitna ng mesa.
“Parang gutom na gutom ka anak. Anong oras ka ba umalis sa Feria?.”
“Madaling araw po.”
“Hindi ka na nag-almusal? Sabi ko naman sayo huwag na huwag kayong aalis ng bahay ng hindi kumakain sa umaga kahit man lang tinapay o pandesal. Ano nga pala klase mo ngayon?”
“Mamaya po nay alas tres.”
“ Mayroon diyan na isang lata ng bigas. Naka-ayos na. Dalhin mo. Yung sitaw at talong ay pinalilikom ko na sa mga pinsan mo dadalhin dito mamaya. Itlog, gusto mo? Maraming itlog ng itik dyan sa ref galing kay pareng Boy. May lutong sugpo at alimango din. Initin mo nalang sa Feria bago nyo kainin. Kung mabibigatan ka, ipapahatid na lang kita sa may Apalit pinsan Santi mo. ”
Pagkatapos kumain ni Ronald, pumunta siya sa kanilang kubo sa may likuran ng bahay. Mahangin at presko doon. Nakatitig siya sa mga naglalarong mga bata sa malapit na poso. Masaya silang nagbabasahan. Naalala niya ang mga ganitong panahon nilang magkapatid. Masaya silang lalangoy sa may sapa. Manghuhuli ng mga tutubi sa may tabing ilog. Batuhan ng putik galing sa bukid. Mayroon ding mga kalokohan ang dalawa. Minsan naguwi ng isang pares ng kalapati ang ama nila galing bayan upang ipasalubong sa mga anak. Tuwang tuwa silang dalawa noong una. Ngunit, hindi nagtagal nainip ang magkapatid. Naisipan ni George na tanggalan ng balahibo ang mga ibon. Pumayag naman si Ronald kahit na may takot sa dibdib niya. Nanaig pa rin ang kapilyuhan ng kapatid. Tumungo ang sila sa may pampang ng ilog. Tinangalan nila ng balahibo. Iyak ng iyak ang dalawang ibon. Parang nagmamakaawa. Ikinalat nila ang mga balahibo sa may pampang. Pinatakbo ang mga ibong wala ng kakayahang lumipad. Hinabol habol nila hanggang sa hindi na makagalaw ang mga ibon sa matinding kapaguran. Tawa ng tawa ang magkapatid. Malinaw pa rin sa isip ni Ronald ang mga pangyayari. Naghukay sila sa buhangin at nilagyan nila ng mga tuyong mga dahon at tangkay ng puno. Ikinulong nila ang mga ibon sa lata, wari’y lulutuhin ang mga ibon ng buhay. Tinakpan. Ipinatong ang lata sa may hukay, binalutan nila ng papel at tuyong dayami. Sinilaban nila ito. Kilos ng kilos ang dalawang pobreng kalapati sa loob ng lata. Umiiyak. Mula nang nangyaring iyon, hindi na sila binigyan ng ama nila ng anupamang alagang hayop. Nagalit sa kanila. Malupit daw at bayolente sila. Sinisi ni Ronald ang kapatid sa nangyari. Naudyok lamang daw siya.
“Ronald anak, may unan dito kumuha ka at ng makapagpahinga ka ng maayos diyan,” sigaw ng ina mula sa kusina.
“Sige po inay. Okey lang po ako dito.”
Binalikan ni Ronald ang aklat. Ang aklat ay isang uri ng talambuhay ng dalawang bayaning Pilipino. Si Juan Luna at si Antonio Luna. Sinimulang ikuwento ni Sir Pascual ang buhay ni Antonio Luna. Sa pagkakalarawan ng aklat si Antonio Luna ay isang matipunong lalake na galing sa isang maykayang pamilya. Gaya ng ordinaryong pilipino, hindi siya matangkad. Bigotilyo at nangungusap ang mga mata. Maayos din siyang magdala ng damit. Kayumanggi ang kanyang kulay at bilugin ang mukha. Kilala siya na mahusay sa eskrima at espada.
Patuloy pa ng propesor: “kinatatakutan siya dahil sa kanyang mainitinng ulo. Minsan sa europa bago sumiklab ang himagsikang pilipino, mayroong isang mamahayag na europeo na nagngangalang Mir Deas na masyadong kritikal sa mga pilipinong rebolusyonaryo. Naatasan si Antonio Luna na bigyang leksyon ito. Hahamunin niya ito ng duelo upang magtanda. Hindi kilala ni Luna si Deas. Sa paghahanap, sumama si Alejandrino, isang mayamang magaaral sa Europa. Ito ay upang maiwasan ang malalang pangyayari na maaaring idulot ng mainiting ulo ni Antonio Luna. Sa isang kainan nila nakita ang manunulat habang ito ay umiinom ng alak. Hinamon ni Luna ito ng duelo. Hindi pumayag ang manunulat. Dinuraan ni Luna sa mukha ang manunulat. Nagulat si Alejandrino sa ginawa ni Luna. Hindi pa rin huminto ang manunulat sa kanyang mga kritisismo.”
Ayon sa propesor, si Luna ay isinilang sa Maynila. Ngunit ang ugat ng kanilang pamilya ay sa Ilocos. Marunong itong mag-ilokano. Ito ang kanilang gamit na salita sa bahay nila. Mahusay din ang kanyang espaƱol. Pagnananagalog siya, matatas pa siya sa mga tunay na tagalog. Matalino siya. Una niyang pinangarap na maging isang manggagamot tulad ng kanyang kuya Jose kung kaya’t nagaral at nakapagtapos siya ng parmasiya sa Ateneo ngunit ang kanyang pangarap ay nabago nang siya ay nagkaroon ng interes sa sining ng pangegera at militarismo. Nagaral siya ng sining ng gera at pakikidigma sa Alemanya sa Unibersidad ng Ghent. Naging mahusay siya rito. Kilala rin siya na isang magaling na mangingibig. Malambing siya at romantiko. Mahilig din siya sa mga babae tulad ng iba pang mga propagandista sa europa. Naging usap-usapan sa mga rebolusyunaryo ang awayan ni Gen. Tomas Mascardo at Antonio Luna dahil sa isang babaeng kapampangan noong kasagsagan ng giyera at labanan habang nagkakampo ang pangkat ni Luna sa Calumpit, Bulacan.
Tumataas na ang lebel ng interes ni Ronald sa aklat parang ayaw na niya itong lubayan ng mata. “Ang galing namang magsulat ni Sir Pascual, para lang akong nagbabasa ng nobela. Napakagaan ng kanyang presentasyon,” aniya sa sarili.
“Ronald, baka mahuli ka sa pagpasok. Puntahan mo na sa school ang tatay mo. Dalhin mo na rin itong pagkain niya,” papalapit sa kanya ang ina bitbit ang isang baunan.
“Baka naman anak sa sasakyan ay nagbabasa ka, masisira yang mata mo,” babala ng kanyang ina. Nagkamot lamang ng ulo si Ronald ng binalingan niya ang ina.
“Nakasakay na sa tricycle ng pinsan mo ang mga dadalhin mo. Hihintayin ka na niya mula school hanggang Apalit. Huwag mo na siyang bigyan ng bayad. Ako na rito ang magbabayad sa kanya.”
Tumayo na si Ronald. Kinuha niya ang baon ng ama mula sa ina. “Nay bakit nagbabaon na ba si tatay?”
“Oo anak kasi mayroon silang programa sa susunod ng linggo. Alam mo naman ang ama mo, basta may programa sa school parang ayaw na niyang umuwi. Naku anak pag nakausap mo nga pagsabihan mo…Masyado na naman siyang nagpapagod.”
“Nay naman. Para naman akong pakikinggan nun.”
Pumasok muna si Ronald sa bahay at kinuha niya ang kanyang back pack. Hinayos ang sarili sa harap ng antigong salamin sa may silid ng kanyang mga magulang. Nagsuklay. Nagsipilyo rin siya sa may lababo. Uminom ng isang basong malamig na tubig.
Lulan ng isang karagkaraging motorsiklo, si Ronald at ang kanyang pinsan ay bumaybay sa mahabang dike papuntang bayan. Sa harapan ng school na pinagtatrabuhan ng ama niya, huminto ang sasakyan. Ang ama ni Ronald na si mang Pablo ay isang kilalang guro sa kanilang bayan. Tapat ito sa serbisyo at ginagalang. Minsan niyang pinasok ang mundo ng pulitika nang tumakbong bise alkalde ng bayan nila matapos ang maagang pagretiro niya sa serbisyo sa isang pampublikong paaralan. Ngunit sa kabila ng kanyang malinis na pangalan, siya ay nabigo dahil sa malakas na makinarya ng kalabang kandidato. Binibili ang mga botante ng limang daan hanggang isang libo kada isa maliban pa ito sa araw araw na rasyon ng groceries. Ilang buwan din siyang nagdamdam sa nangyari bago ito natanggap ng ama. Muli siyang nagturo mga tatlong taon na ang nakararaan nang siya ay inimbita ng kaibigan niyang nagmamayari ng isang pribadong paaralan sa bayan.
Noong una, ayaw ng ama ni Ronald na siya ay magenroll sa PUP. Nabalitaan kasi ng ama sa mga pahayan na ang PUP ay tahanan ng mga aktibistang estudyante. Malakas din ang pwersa ng makakaliwang grupo. Takot marahil ang ama na magaya siya sa anak ng isang kaibigan na si Darlene. Si Darlene ay isang matalinong istudyante sa bayan nila. Nakapasa sa PUP at kumuha ng kursong sosyolohiya. High school pa lamang, kilala na si Darlene na mahilig sa student leadership. Napasama siya sa isang grupo ng mga istudyante na nagpatalsik sa isang manyakis na guro sa paaralan nila. Noong nasa PUP na siya, naenganyo siya na pumasok sa grupo ng LFS. Naging lider istudyante siya. Hanggang sa hindi na ito umuwi at hindi na rin ito pumasok sa paaralan. Ikinalungkot ng mga magulang niya ito. Kasama pa nga si Mang Pablo, ang ama ni Ronald, nang pumunta sila sa PUP upang ipagtanong sa kanyang mga kasamahan ang kinaroroonan ni Darlene. “Huwag po kayong magalala kay Darlene nasa maayos po siyang kalagayan. Nagsisilbi po siya sa ating mga kababayan sa kanayunan,” bungad ng isang mukhang gusgusing aktibistang nakausap nila. Nagwala ang ama ni Darlene at nagsisigaw sa PUP. Wala rin silang nagawa, hindi na nila mula noon si Darlene. Tatlong taon ang lumipas ng mabalitaan ng mga magulang ni Darlene na ito ay nasa Candelaria, Quezon. Sinulatan sila ng kumander ng isang kampong military doon na nasa kanila ang bangkay ni Darlene. Nakahiga ang wala ng buhay na katawan ni Darlene sa iosang stainless na kama. Malamig na ito at butas butas ang kanyang dibdib. Naliligo sa sarili niyang dugo. Hindi pa nalilinisan ang bangkay nito nang makita ng mga magulang. Napatay sa isang engkwentro si Darlene. Yan ang sabi ng mga sundalong nakausap ng mga magulang niya. Nang iuwi si Darlene sa Pampanga, si mang Pablo ang nagayos ng sasakyan.
Natatakot si Mang Pablo na baka gayahin ni Ronald si Darlene. Nakumbinsi lamang ni Ronald ang ama na magaral sa PUP nang sumumpa ito na hindi kailanman siya gagaya kay Darlene. Naniwala ang ama. Napatunayan naman ito ni Ronald. Hindi siya sumali sa anumang grupong makakaliwa sa PUP na pilit na umeenganyo sa kanya.
Sa may opisina ng kaguruhan ng paaralan niya nakita ang ama. May binabasa ito. Marahan na pumasok si Ronald. Nagiingat siya na baka magising ang ibang guro na nagsisiesta. Oras kasi ng tulog at pahinga nila. Nang nasa malapit na siya, luminog sa kanya ang ama. Kinuha ni Ronald ang kaliwang palad ng ama. Nagmano ito ng banayad na punong puno ng galang at respeto.
“Kumusta na anak?” bati ng ama.
“Mabuti po Itay.”
“Anak, maaari bang isang libo na muna ang ibayad natin kay aling Sioning? Medyo kinapos ang bale ko kay kumpare. Wala kasing masyadong nagbayad na bata. Mahirap talaga ang buhay ngayon,” pagpapaliwanag ng ama. Ibinaba ng ama ang aklat na hawak.
“Okey na po yan Itay. Ang importante lang naman kay Aling Sioning ay may maiabot,” naalala ni Ronald ang bilin ng kapatid tungkol sa pambayad sa field trip. Hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob na ipanghingi pa ang kapatid matapos marinig ang ama. Tiyak niya na hindi siya mabibigyan ng ama para sa lakad ni George. Inisip niya na siya na ang gagawa ng paraan.
“Gutom na siugo kayo Itay?” iniabot niya ang hawak na baon ng ama.
“Nagpasobra ako ng limang daan diyan. Ikaw na ang baling dumiskarte anak. Wala na talaga. Pamasahe at allowance niyo na iyan. Huwag kang magalala anak, kapag nagkapera ako sa mga susunod na araw paluluwasin ko ang Ina ninyo,” isinuksok ng ama ang pera sa bulsa ng kanyang puting polo.
“O ano Itay, alis na po ako at may pasok pa ako,” pagpapaalam ni Ronald. Muling nagmano sa ama.
Inihatid siya ng kanyang ama hanggang sa tricycle. Kumakaway ang ama habang papalayo ang sasakyan. Napapaluha si Mang Pablo tuwing naiiisip niya ang kabaitan ng mga anak. Matiisin at umuunawa sa kalagayan nila sa buhay.

.8.
8
Sa Claro M Recto Hall, sa may ikaanim na palapag ng unibersidad, si Lea ay nanood ng isang dula ng kanyang mga kaklase. Masaya ang tema ng dula. Tawa siya ng tawa. Katabi niya siya Cindy.
“Ang galing naman nila,” bulong ni Lea kay Cindy”
“Kaya natin yan. Sigurado mas maganda ang atin diyan,” matapang na sabi ni Cindy.
“Ang yabang mo. Sa isang buwan na nga yung play natin wala pa tayong materyal. Walang artista. Walang director.” Pag-aalala ni Lea.
“Akong bahala. Ako na lang ang magdidirehe. Ikaw ang artista,” suhesyon ni Cindy.
“Mayron ka na bang naisip na dula?” tanong ni Lea.
“May Isang Sundalo!!” malakas na sabi ni Cindy.
Binulyawan sila ng ilang mga nanood. Naingayan ang lahat sa kwentuhan ng dalawa. Huminto sila sa kanilang usapan. Tinuon nilang muli ang dula sa entablado. Nang matapos ang dula, habang naglalabasan ang mga nanood, itinuloy ng dalawa ang kanilang naputol na kwentuhan.
“ Tama bakla, May ISang Sundalo ni Rene Villanueva ang ating isadula.!!”
“Di ba isang lalaki at isang babae ang mga tauhan ng dulang iyon?” tanong ni Lea.
“ Oo. Anong problema dun?”
“ Di ba lahat ng mga kaklase natin na lalaki ay umarte na.? Hindi papayag si Mam na I-pirate natin sila. Tiyak yun Cindy, si Mam pa.”
“Best, ang hina naman ng loob mo, kuha tayo sa labas!.”
“Cindy, hindi ganun kadali yun.”
“Madali yun. Ikaw na ang aarte sa papel ng puta at si …sino ang lalake? Si …”
“ Sino?” urirat ni Lea.
“Natatandaan mo ba yung lalake sa aklatan yung admirer mo, bagay siya dun sa karakter ng sundalo. Maganda ang kanyang katawan. Hindi masyadong kalakihan at hindi rin naman masyadong matangkad. Mukhang probinsyanong matipuno.
“Lalaking lalaki ang dating niya. Siya nalang. !” tugon ni Cindy.
“Sino?…best naman…. Hindi nga natin alam kung istudyante yun dito. Ang kung istudyante man yun dito sa PUP, hindi natin alam kung marunong siyang umarte. At kung marunong man siyang umarte, hindi rin natin alam kung papaano natin siya makikitang muli. Kung Makita man natin siya, papayag kaya yun?” duda ni Lea.
“ Puntahan natin siya sa Filipiniana. Sigurado ako na babalik siya doon dahil umaasa yun na tutungo kang muli doon. Siempre, hahanapin ka rin nun. Palagay ko mahal ka ng baduy na yun….Ako ang bahalang kukumbinsi sa kanya. Kung sakaling hindi siya marunong umarte, turuhan lang natin siya ng konti. Workshop natin siya ng tatlong araw. Mag-memorya ng script ng isang lingo. Rehearse tayo ng dalawang lingo. Tapos ang problema,” paniniguro ni Cindy.
“Bahala ka na nga…” pagtatapos ni Lea.
Lumapit sa dalawa ang janitor ng C.M Recto Hall. Sila na lamang ang nasa loob. Maglilinis na ito. Aayusin ang mga upuhan.
Sinabihan na sila ng janitor,
“Mga mams, pwede bang lumabas na po tayo kasi hanggang 5 ng hapon lang ang shift ko.”
Tumayo na ang dalawa. Lumabas ng hall. Pumasok sa may elevator. Sa may loob ng elevator nagpatuloy ang paguusap ng dalawa.
“ Kung gusto mo si Peter na lang. Yung taga Teatro Komunikado. Okey din yun. Siguradong papayag din yun, kaya nga lamang liguhan natin. Mabaho ang kilikili nun sige ka…eheheh” biro ni Cindy sa kaibigan.
Siniko ni Lea ang kaibigan. Naiinis.
“So…final na yun bakla, Ang Sundalo ang play, ako ang director, ikaw ang puta at si Probinsyano ang sundalo. Okey na yun. Bigyan mo ako ng dalawang araw, mapapapayag ko si binata, ” muling paniniguro ni Cindy.
Tumango na si Lea para lang matigil ang kaibigan. Ibinabalik ni Lea sa isip niya ang imahe ng binata. Gwapo naman at mukhang desente ang binata sa Filipiniana. Parang kahawig nga ng isang artistang paborito niya. Kamukha niya si Jericho Rosales. Matangkad nga lamang siguro ng kaunti si Rosales. Sa likod ng isip ng dalaga, kinikilig siya sa ideya na makakatrabaho niya ang binata. Malakas ang dating ng binata. Ngayon lang kasi siya makaka-arte na total stranger ang kapareha.
Sa batang edad ni Lea, marami na siyang ginampanang mga papel sa entablado. Kung simpleng halikan lamang ay kayang kaya niyang gampanan. Si Lea ay hindi naman makireng dalaga. Kung tutuusin nga ay napakahinhin niya. Kaya nga lamang ay iba talaga ang pagmamahal niya sa teatro. Ang katotohanan nga ay hindi pa siya nakipaghalikan kahit na sinong lalakeng naging karelasyon niya. Ang unang halik niya ay sa entablado. Para sa dalaga ang halikan sa entablado ay isang manipestasyon ng pagmamahal lamang sa sining at ito ay hindi dapat nilalagyan ng anupamang malisya. Sa batang edad, propesyunal na ang dalaga. Madalas na kagalitan ng ama ang dalaga dahil sa mga eksenang maseselan na ginampanan niya ngunit wala rin naman silang magawa sa kagustuhan ng dalaga. Palagi niyang pinapaliwanag sa ama na ang lahat ay arte lamang.

.7.
7
Pagtingin ni Greg sa kanyang relo, alas nuebe na. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakahiga sa malambot na kama ni Marge. Naiwan sa kama ang hubad na katawan ng nobya na natatakpan lamang ng manipis na puting kumot. Tinungo niya ang banyo sa may silong. Umupo sa kubeta at dumumi muna bago siya nagsimulang maligo. Sa bawat patak ng tubig sa mukha ng binata, galaw ng mga aninong naglalampungan ang kanyang nasa alaala. Sa bawat agod ng kanyang palad sa katawan, ang init ng haplos ni Marge ang nararamdaman. Malinaw pa sa isipan ni Greg ang mga nangyari sa kalilipas lamang na gabi. Ito ang unang pagtatalik ng dalawa. Sa pakiramdam niya, ang relasyon nilang magnobyo ay lulalim na. Halo-halo ang kanyang pakiramdam. Mayroong konting guilt sa dibdib. May takot din. Hindi na niya ngayon alam kung ano ang magiging epekto ng pagtatalik sa kanilang relasyon. Hindi ito ang unang karanasan ni Greg. Maraming beses na niya itong ginawa sa mga nakakarelasyon niya. Datapwat ngayon lang niya naramdaman ang mga damdaming bumabalot sa kanya.
Subok na rin ni Greg ang masamang epekto ng pakikipagtalik ng maaga. Karamihan sa kanyang mga relasyon ay nagwakas dahil sa, palagay niya, sex. Ang pagsasama na nakasentro sa sex ay napakahirap. Naranasan niya ito. Ang bawat isa ay nagkakaroon ng insecurities sa sarili. Nagde-develop din ito ng kultura ng kawalang tiwala sa relasyon. Iniisip ng bawat isa: “kung kaya niyang gawin sa akin, kayang kaya niya ring
gawin sa iba”. Hindi relihiyosong tao si Greg, ngunit huminto sa kanyang pagligo ang binata at nagdasal: “Diyos ko, patawarin niyo po kami ni Marge. Hindi po naming napigilan ang aming mga sarili. Sana ang pagtatalik naming ito ay hindi magkaroon ng masamang epekto sa aming dalawa. Mahal ko po si Marge. Tulungan nyo po kami.” Natigil siya sa isang katok.
“Hon, bilisan mo at late na ako!!. Alas diyes na..,” boses ni Marge.
“Banlaw na lang, hon. Sandali na lang.”
“Gusto mo sabay na tayo?” biro ni Marge.
“Nanay ko!!!, Ayoko po.!!Wag po…” sagot naman ng binata.
Nakangiting lumayo si Marge sa pinto ng banyo. Tinungo nya ang CD Player. Pinatugtog niya ang isang instrumental na album ni Basia. Jazz ang paborito niya. Liberated si Marge. Parang wala lang sa kanya ang nangyari noong gabi. Isang ordinaryong araw lang ang turing niya sa araw na ito. Marami na ring naging nobyo ang dalaga. Lahat halos sa mga relasyon na ito ay nasentro sa sex. Sanay na siya sa mga lalaki. Manhid na siya sa mga kahirapan ng dibdib na dulot ng hiwalayan, pagtataksil, at selosan. Hindi kailanman inisip ni Marge na ang puri ng babae ay may mahalaga ba sa buhay nito. Para sa kanya, ang pakikipagtalik ay kagaya lamang ng pagsa-satisfy ng ibang mga parte ng katawan tulad ng dila sa pagkain, tenga sa musika at iba pa. Kung si Greg ay nag-aalala sa kanilang nagawa, si Marge naman ay parang walang pakiramdam. Hindi kailanman ginawang puhunan ni Marge ang sex upang mapanatili ang lalaki sa buhay niya. Para sa kanya, sa paghahanap ng tunay na pagibig, ang masaktan ay hindi maiwasan. Ang pakikipagtalik ay isang sagradong bagay na masarap pagsaluhan ng dalawang pusong umiibig. Ito’y hindi isang krimen.
Tapos na si Greg maligo. Lumabas ng banyo ng hubad. Nakatapis ito ng isang tuwalyang asul na kinuha niya mula sa aparador ni Marge. Humalik muna sa nobya at siya namang pagpasok ni Marge sa banyo. Masarap pa rin ang amoy ng dalaga. Mabango pa rin siya pagkatapos ng magdamag na pagtatalik at pagpapalitan nila ng mga likido at laway. “Pambihirang babae ito”, naisip ni Greg.
“Hon, baka hindi na kita mahintay. Aalis na ako pagkabihis ko. Inihintay ako ni Papang sa bahay. May usupan kasi kami. Mayroon daw siyang mahalagang sasabihin.”
“Sige lang, Greg. May pasok din naman ako. Kain ka na lang diyan ng kahit na ano.”
“I love you …,” bulong ni Greg sa may pintuhan. Ngayon lang niya yata naramdaman na umiibig siya sa isang babae.
Umakyat sa kwarto. Nagbihis na siya. Dinampot niya ang kanyang pantalon mula sa sahig ng kwarto, ang kanyang briefs sa may ibabaw ng lamp shade, at ang polo shirt na tumatakip sa isang vase sa may sulok.
Sa sasakyan. Pasipol-sipol si Greg. Masaya ang binata. Ngayon lang yata niya nalaman ang halaga ng pakikipagtalik. Noon, ang tingin niya sa sex ay isang laro lamang. Masarap.
Wala itong anumang halaga kundi ang mapagbigyan ang pagnanasa ng katawan. Ngayon niya nalaman na ang pananaw niya sa sex ay mali.
Nasa harapan na ng bahay nila si Greg. Nasa garahe na ang kotse ng kanyang ama. Isang itim na Ford Expedition ang sasakyan ng ama. Nasa bakuran na rin ang mga bodyguards ng Papang niya. Nakasukbit ang kanikanilang mga baril sa baywang. Parang naging military camp na ang bahay nila. Mahigit sa anim ang bilang ng bodyguards. Binuksan ng isa ang gate. Ipinasok ni Greg ang kanyang sasakyan.
“Kanina pa ba kayo?” bati ni Greg sa isa.
“Sir Greg, kanikanina pa po,” sagot ng bodyguard.
Ang ama ni Greg ay nasa sala. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Nagkakape ito habang siya ay nagbabasa ng dyaryo. Mukhang inip na ang ama niya sa kahihintay sa kanya. Ang ama ni Greg ay larawan ng isang desente at pormal na pulitiko. Mukhang istrikto ito. Parang mahirap lapitan at kausapin. Iba nga ang kanyang ugali kumpara sa ibang mga pulitiko na masyadong palangiti. Bihirang ngumiti ang ama. Masyado siyang matipid sa pagngiti. Matapang ito. Kinatatakutan siya ng mga nasasakupan, ngunit marami ang nakakaalam na mabait daw ito sa kanyang asawa, ang ina ni Greg. Masunurin sa asawa. Hindi naman daw ito takusa. Hindi ito andres. Kaya lamang ay mahal niya talaga ng todo ang kanyang asawa. Sa sampung taon niyang pamamalagi sa pulitika, wala pang kontrobersya ang lumutang laban sa kanya na may kinalaman sa sex o kaya’y pambababae. Palaging sinasabi ni Mayor na lubos ang pagmamahal niya sa asawa na ang mangaliwa ay hindi na niya kayang isipin pa. Alam ni Greg na totoo ito.
“Pa, musta na po?” bati ni Greg.
Lumingon ang ama. Tinangal niya ang suot na salamin. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng center table na gawa sa mamahaling salamin. Tumayo ito at niyakap ang anak. Parang sabik na sabik sa anak. Magdadalawang buwan na ring hindi nagkikita ang mag-ama. Humalik naman sa pisngi si Greg sa ama.
“San ka ba galing anak?”
“Dun po sa bahay ng kaklase ko Pa. May nira-rush kaming papel,” sagot ni Greg.
“Kumusta po sa probinsya Pa?”
“Wala namang masyadong problema, anak.” Umupo ang mag-ama sa may mesa sa isang sulok ng sala. Magkatapat ang mag-ama.
“Bakit po ba kayo napasugod?” tanong ni Greg sa ama.
“Mahalaga, anak.”
“Para saan po iyan, Pa?”
Inakala ni Greg na baka kakausapin siya ng ama para sa kanyang magiging kontribusyon sa kampanya sa darating na eleksyon. Kakandidatong konggresista sa distrito nila sa Ilocos. Ito na kasi ang huling termino ng ama bilang alkalde.
“Anak, may kinalaman ito sa ating pamilya.” Naging seryoso na ang Ama.
“Mayroon tayong kailangang gawin. Bilang panganay na lalaki, anak, ikaw lamang ang pwudeng gumawa.”

Subscribe to:
Posts (Atom)